Bins: Hoy! Sint, ano ginagawa mo? Bakit ka nagiimpake ng gamit mo?
Sint: Kasi, bakit nga ba? Kasi uuwi kasi ako sa amin! Ikaw ba? Hindi ka ba uuwi sa inyo?
Bins: Hindi eh, magsusummer class kasi ako para mabilis akong makatapos diba. Malay mo! Baka tatlong taon lang ako mag-aaral.
Sint: Tapos madidissmiss ka na?
Bins: Di no! Tapos graduate na ako! Haha!
Sint: Ambisyoso to! Ikaw? Matatapos ng tatlong taon ang course mo? Asa ka pa! Hehe. Ayoko na rin kasing magsummer. Tapos na ako sa ganyang stage ng buhay college ko. Kasi naman, di ko alam, parati ako nagsusummer at ito ang nangyari sa akin. Tinamaan ng katamaran, parang pagod na rin akong mag-aral. Kaya ang dami kong naidrop na sujects ko.
Bins: Sa tingin mo tama ang rason mo? Kasi tinatamad ka na, kasi sawa at pagod ka na sa pag-aaral kaya hahayaan mo nalang na ibagsak ang mga subjects mo o sadyang hindi na pumasok? Naisip mo ba minsan ang nanay mo? Kung sawa na rin ba sila? Kung pagod na rin ba sila sa kakapadala ng pera para sa iyo? Para sa pag-aaral mo? sana naisip mo iyon bago ka nagdesisyon na bitawan lahat ng responsibilidad mo.
Sint: Oo nga eh, iyon na nga eh. Inaamin ko naman na mali ako.
Bins: Tapos? Porket inaamin mo, porket aminado ka sa mga pagkakamali mo ay tapos na ang lahat? Sino ang mahihirapan? Sino ang kawawa? Ikaw pa rin Sint, kasi ikaw pa rin ang mag-aaral para sa kurso mong iyan. Sino ba pumili ng kurso mo? Sino ba ang nagdedesisyon na magsusummer ka o hindi? Diba ikaw rin? Diba ikaw ang may gusto niyan? Sana panindigan mo. Bakit ba kasi nangyari ito sa iyo? Ano ba kasi ang nakain mo?
Sint: Hindi ko alam…
Bins: Sa tingin mo tama ba ang sagot mong iyan? Maawa ka naman sa nanay mo. Sige, tanggapin natin, nangyari na ang lahat eh, pero sana, sa susunod, kung may susunod pa man o kung may pagkakataon pa, ayusin mo na ang buhay mo ha. Sana sa desisyon mong ito, mapagnilaynilayan mo ang mga bagay bagay. Alalahanin mong responsibilidad mo ang mag-aral sa ngayon kaya sana gawin mo ng maayos. Ito na nga lang ginagawa natin ipapalya pa natin. Umayos ka nga.
Sint: Oo nga eh. Hindi ko desisyon ito, sabi kasi ni nanay, magpahinga daw muna ako. Kaya hindi siya pumayag na magsummer ako. Sa katunayan nga ay siya pa ang excited na kumuha ng tiket ko pauwi. Okay naman siguro ako. Kailangan ko lang talaga ito. Sabi din naman nila diba, Mothers know what’s best. Sana ito ang best.
Bins: Kelan pala ang flight mo? Ang dami mo namang dadalhin!
Sint: Sikret, basta next week na ang alis ko. Ano, ano balak mo gawin? Bored kasi ako.
Bins: Tara! Gala tayo.
Sint: Sige, tapusin ko lang ito.
Tags: summer



































Entries (RSS)