Ang Mahiwagang Bubong
Kasulukuyang inaayos at pinapaganda ang bahay nila Beans ngayon kaya magulo, makalat at puno pa ng mga materyales sa paggawa ng bahay ang buong paligid nito. Tuwing umaga ay maririnig ang mga martilyong pumupukpok sa mga dingding at mga alikabok mula sa mga dingding na sinisira at inaayos. Pati ang kanilang bubong ay hindi pa ayos dahil sa planong gawing dalawang palapag ang kanilang bahay.
Gabi noon ng Lunes, Abril 13, 2009) matapos ang Easter Sunday, naliligo si Bean nang biglang umulan ng malakas. Nasa kalagitnaan siya ng pagsasabon ng katawan nang biglang sumigaw ang kanyang kuya: “Hoy Tingting nag-ulan! Pagdali dira! (Hoy, umuulan! Bilisan mo diyan!)” Nang matapos si Beans sa pagligo nang paglabas niya ay tunay nga na umuulan – hindi lamang sa labas ng bahay kundi pati na rin sa loob ng bahay nila.
Dito nkalagay ang TV
“Hala! Nag-ulan gyud diay! Wah, kadyot lang! Magbrief sa ko ha! (Hala! Umuulan nga! Wah! Sandali lang! Magbibrief muna ako!” At dali daling nagsuot si Beans ng salawal at pati na rin shorts. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Basa na ang kanilang tv, dvd player, ang sala at pati na rin ang keyboard ng pc nila. Siyempre, inuna niyang sinalba ang laptop niya at baka maTY ito. Pagkatapos ay inakyat ni Beans ang kanilang bubong para tingnan kung ano ang magagawa niya ngunit wala siyang magawa kasi madilim na noon kaya bumaba na lang siya at tinulungan ang kapatid na nuon ay nagsasalok ng tubig mula sa balding napupuno na ng tubig mula sa ulan.Ang kapatid naman niyang babae ay nagpupunas na ng sahig at inaagapan ang pagdami ng tubig sa sahig.
Sa Sala
May tumawag sa telepono nila, tatay iyon ni Beans at nagtatanong kung anon a ang sitwasyon ng bahay. “Ulan! Nag-ulan diri sa sulod sa balay! Ang tv basa na, ulan gihapon diri sa sulod sa balay! Babay. (Ulan! Umuulan dito sa loob ng bahay! Ang tv basa na, umuulan pa rin dito sa loob ng bahay! Babay.” At patuloy pa rin sa paghahakot ng naipong tubig at pilit na panatilihing tuyo ang mga dapat tuyo. Ilang sandal lang ay dumating na ang tatay ni Beans para tumulong sa nagkakagulong magkakapatid.
Ilang sandali lang ay tumila na rin ang ulang at dahan dahan nang huminto ang tulo sa buong bahay nila Beans. “Sa wakas at makakaligo na rin ako ulit!“ wika pa ni Beans.
==========D=I=T=O===I=L=A=L=A=G=A=Y===A=N=G===H=A=G=D=A=N=A=N==========
Ang Mahiwagang Bubong



































Entries (RSS)