Someone sang this song for me… And I’m missing her… (Yes! ENGLISH! haha)

Panalangin -Moonstar88

~Sana nama’ymakikinig ka kapag aking sasabihing minamahal kita~
Haiz…
Tags:

Comments No Comments »

“Oo.” Di pa rin sya natinag sa pagkakayuko.

“Hahahahaha! Nagbibiro ka lang tol, sabihin mong nagbibiro ka, di ba?”

“Hindi.” Seryoso nyang tugon. “At ewan ko, Carl. Simula lang ito nung tinuruan mo ako sa bagay na iyon… at nung umalis ka nung isang taon, palagi ka nang nasa isip. Kaya nung makita kita ulit kahapon, sobrang saya ang nadarama ko. Ngunit sobra din akong nasaktan sa nasaksihang ginawa nyo ni Kuya James…” Sabi nyang tumulo na ang luha. “Kaya kita tinanong kung mahal mo ba si Kuya James, e…”

Hindi ko alam kung matatawa o maaawa. Umakbay ako sa kanya. “Tol, kung nami-miss mo man ang isang tao, hindi ibig sabihin nun mahal mo na sya, na may romantic feeling ka na sa kanya. Kagaya ko, nami-miss din naman kita a, sobra. Natatawa ako kapag naaalala ang mga kabulastugang ginagawa natin, ang mga harutan, pangbunuan ng lakas, ang mga paunahan sa languyan, o paramihan ng mga naakyat na puno ng nyog. At syempre, na-miss ko sobra ang ganitong nag-uusap lang tayo ng kahit anu, kahit walang ka-kwenta-kwentang bagay. Pero hindi ibig sabihin makikipag-relasyon na ako sa iyo. Kasi, kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat sigurado ka sa nararamdaman mo dahil ito’y may mga kaakibat na responsibilities, mga bagay na i-give up, isakripisyo, at ipaglalaban. Hindi ka pweding pumasok sa isang relasyon na wala kang paninidigan; unless, naglalaro ka lang, dahil kung hindi ka sigurado sa isang bagay, paano mo ito ipaglalaban? Kaya dapat na siguraduhin mo muna kung ang naramdaman mo ay totoo, sagad sa puso at sa isipan. Gawan mo ng paraan upang suriin ang sarili at matimbang kung totoo ka nga bang nagmahal, o naguguluhan lang.”

Tahimik.

“Naranasan mo nabang magkaroon ng girlfriend?”

“Hindi pa.”

“Sinubukan mo na bang manligaw?”

“Hindi pa rin.”

“See what I am saying? Lalaki ako tol, at lalaki ka rin. Ang nangyari sa atin nung tinuruan kita ng isang bagay na ginagawa ng mga lalaki ay normal na nagyayari sa mga katulad ng ibang kabataang nag-eeksperemento… Ako, nung high school pa, kapag pumasok sa utak ang kalokohan sa magkakabarkada, nagpapaunahan pa nga kami, nagpapatalbugan kung sino ang may mas malaki… Pero, hindi ako na-inlove sa kanila. Normal sa magbabarkada ang gumawa ng kalokohan, gaya ng nangyaring iyon sa atin. Oo, aaminin ko na kapag naisip ko iyong mga nangyari sa barkada o kahit iyong sa atin, may kiliti rin akong naramdaman. Ngunit hindi sapat iyon tol para masabi kong mahal ko na iyong mga barkada ko na iyon at makikipagrelasyon na ako sa kanila. Ang pagmamahal, tol ay mas malalim pa kesa pisikal na pangangailangan. Ang libog ay kusang umaatake ngunit kusa ding nalulusaw; ang pagmamahal ay nananatili. Katulad ng pagkakaibigan natin. Walang pweding makakapaghiwalay sa atin…”

Hindi sya kumibo.

“Ok, upang masiguro mo sa sarili na mahal mo nga ako, why not focus your atention sa babae muna. Manligaw ka at i-try mong makipagrelasyon. Kung pagkatapos mong magkaroon ng girlfriend at hanap-hanapin mo pa rin ako, baka maniwala na akong mahal mo nga ako… How about that?”

Nag-isip sya. “Bakit ikaw… kayo ni Kuya James?”

Napabuntong-hininga ako sa tanong nyang iyon. Hindi ko akalain na igigiit pa rin nya ang tungkol sa amin ni Sir James. “Ok… aaminin ko sa iyo, dahil wala naman talaga tayong sikreto, diba? May relasyon nga kami ni Kuya James mo. Ngunit pinagdaanan naming pareho ang sakripisyo, ang subuking maglayo sa isa’t-isa at burahin ang kung ano man ang nararamdaman. Bago dumating si Sir James sa buhay ko, iba’t-ibang klaseng babae ang natikman ko, nakarelasyon. Akala ko nga, tuloy-tuloy na iyon. Ngunit nung dumating si Sir James sa buhay ko, hindi ako makapaniwalang nangyari ang ganito sa akin. Sabi ng iba, baka lang daw naghahanap lang ako ng father-figure dahil sa wala akong naranasang tatay na gumabay sa akin simula nung bata pa lang. Ngunit, ewan ko, hindi na maialis sa isipan ko si Sir James. Kaya napagdesisyonan na naming papasok sa isang relasyon.”

“Paano kung si Kuya ay may iba?”

Para akong natulala sa tanong na iyon ni Anton. Tiningnan ko sya. “Bakit, may alam ka ba?”

Hindi na sinagot ni Anton ang tanong ko. Isinukli nya ang isang makahulugang titig. “Bakit hindi mo na lang ibaling sa akin ang pag-ibig mo?”

“Anton, hindi ka pa nga nagmahal. Ang pagmamahal ay hindi kagaya ng isang bagay na pwedi mong ibigay sa kung sino man ang taong gusto mong pagbigyan nito! Hindi ganyan ang tunay na pag-ibig tol.” ang sabi kong mejo tumaas ang boses. “At sabihin mo sa akin, may iba bang mahal si Sir James?”

Tila binuhusan ng malamig na Tubig si Anton sa tanong ko. “Hoy, Anton! Tinanong kita! May iba bang mahal si Sir James?”

“A, e… wala Carl, wala!” ang sagot nyang tila hindi makatingin sa akin.

“Tol, nagsisinungaling ka, alam ko. Meron kang alam na hindi ko alam. Ano yun? Sabihin mo! Magdamdam talaga ako sa iyo pag hindi mo sinabi sa akin ang nalalaman mo.”

“Wala nga Carl… cross my heart.” pagdiin nya. “Atsaka, wala ka bang tiwala kay kuya? Kung gusto mo, itanong mo na lang sa kanya pagdating nya.”

Tila nahimasmasan ako sa seryoso nyang paliwanag. “O sige… maniwala na ako.” ang nasabi ko nalang, inisip na wala din akong magagawa kung ayaw nyang magsalita talaga. Atsaka, sumiksik na rin sa isip ko na kung mayroon man kamming problema ni James, kusa nyang sasabihin sa akin yun. “Oo nga pala tol, may sinabi si Dodong na sayawan mamaya sa may baranggay hall. Gusto mo, punta tayo para makahanap ka na ng babae? Ano…?”

Ramdam ko ang malaming nyang reaksyon. “Parang ayaw ko Carl. Di naman ako marunong sumayaw e. Tsaka, nahihiya ako…”

“A, basta! Pupunta tayo mamaya sa sayawan. Di ba sabi ko sa iyo, dapat buksan mo ang sarili para sa ibang bagay o possibilities? Makipagkaibigan ka lang naman e, for you to get out from your shell, kumbaga. At kung kaya mo na, manligaw ka. Ito na yung chance mo.”

“E… sige, bahala ka. Basta samahan lang kita dun.”

Walang magawa si Anton. Pumunta nga kami at isinama na rin namin si Dodong. Alas 10 ng gabi nung dumating kami sa lugar mismong kung saan idinaos ang sayawan. May mga sumasayaw na sa gitna. Kitang-kita ang kasayahan sa mukha ng mga dalaga’t binata habang umiindayog sa tugtog. Benefit dance daw yun upang makalikom ng pondo ang baranggay para sa nalalapit na fiesta. First time ko ring maka-attend ng ganung klaseng sayawan. Parang gusto kong matawa sa mga hitsura nila, ibang-iba kasi kay sa ambiance ng disco-han sa malalaking syudad na puno ng naggagandahang ilaw, madilim-dilim ang dance hall, at walang pakialaman ang mga sumasayaw kung may kapartner ba o wala, basta tatayo lang sa platform at iindayog, solved na.

Ngunit iba ang sa kanila. Malapad ang lugar na may kasing-lawak ng basketball court, alikabukin pa ang lupang hindi sementado. Kitang-kita ang mga bituin sa langit kapag ibaling mo ang mata sa itaas dahil sa walang bubong ang sayawan. Kahit walang koryente, 6 na petromax naman ang nagsilbing ilaw na nakasabit sa mga poste sa gitna pa ng sayawan mismo. Center of attraction ka kapag sumayaw, sa tindi ba naman ng liwanag na galing sa petromax, pati ulo ng mga sumasayaw nakakasilaw na rin. At kapag ba naman imbes shampoo ang panlinis ng buhok e, ordinaryong panlabang baretang sabon at preskong gata ng nyog ang conditioner… lalo talagang sisilaw ang ulo nila, amoy-gata pa. Ikaw ba kaya ang nakatira sa gitna ng napakalawak na nyogan kung hindi ka rin mangangamoy gata… Sa pakiwari ko, iyon na ang kanilang trade scent. Kumbaga, kapag di sila nangangamoy gata, di sila “in”. Ewan, hindi lang ako sigurado.

[ITUTULOY...]

Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR

Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha

Tags:

Comments No Comments »

May naalala lang ako sa kantang ito!

Mad – Neyo

~That we don’t even remember why we’re fighting~

Tags:

Comments No Comments »