Kantang pinakapaborito naming kantahin ng housemates! AyLabYu!!!
Salamat – The Dawn
~Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kasiyahan~
Tags: Salamat - The Dawn|
Kantang pinakapaborito naming kantahin ng housemates! AyLabYu!!! Salamat – The Dawn ~Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kasiyahan~ Tags: Salamat - The Dawn“Heh! Lokoloko! Ikaw nga jan e!” ang sagot naman ni Anton na nahiyang umamin. “OK lang yan. Habang nasa ganyang edad pa kayo, eenjoy nyo dahil pag dumating na kayo sa mga 20 and above, dapat seryosohan na…” sabi kong pabiro. Nung may bigla kong naalaala, “Oo nga pala, di pa rin ba dumating si Kuya James ninyo?” “Malamang mamayang hapon pa po yun kuya Carl, mga 4pm pa siguro. At kapag di sya nakarating mamaya, malamang na dun na rin po sya matutulog dahil mahirap tahakn ang daan patungo rito kapag gabi na e.” ang sagot ni Dodong. “A ganun ba… Ba’t saan pa ba daw ang punta nya at posibleng hindi sya makarating sa araw na ito? Di ba dapat ngayon na ang uwi nya? “Minsan po natatagalan sya. Nasa syudad din kasi si Ate Maritess, dalawang buwan na. Dadaanan pa nya yata.” “Hah? Bakit ano’ng nangyari sa Ate Maritess mo?” Biglang nautal si Dodong. Napansin ko rin sa mga mata ni Anton na tila ayaw nyang magsalita pa si Dodong. “A… e… Wala naman po. E… Nagpapacheck-up lang po at sinasamahan sya ni Kuya James” Bigla ring lumakas ang kabog ng dibdib ko sa narinig. “Bakit? Ano bang nangyari kay Ate Maritess mo?” Tuluyan nang namutla si Dodong, hindi halos makapagsalita. “E… Buntis po sya!” Nung marining ko ang sinabi ni Dodong, parang puputok ang tenga ko. “Ha? Sino ang nakabuntis?” “A… Carl, pwedi ba tayo na lang ang mag-usap” pag interrupt ni Anton sabay akbay sa akin at action kay Dodong na umalis. Umalis si Dodong, pa-iling iling sa di maintindihang reaksyon ko at ni Anton sa nangyari. “May itinatago ba kayo na di ko alam, tol?” “Hindi naman sa ganung itinatago, Carl. Si Kuya James kasi, alam kong sasabihin nya iyon sa iyo. Ngunit nagmamadali kasi syang pumuntang syudad. Hindi ko nga rin alam kung bakit nagmamadali sya gayong alam naman nyang kararating mo lang e. Pero alam mo naman siguro ang ugali ni Kuya, di ba? Pag may nagawa, pinapandigan. Pag may problema, hinahanapan ng solusyon. Pag may nasaktan, nagbibigay ng explanasyon o paumanhin. Hindi sya yung taong gumagawa ng bagay na patalikod. Kung may nagawa man sya, sigurado ako, may dahilan. At yan ang dapat nating pakinggan at alamin.” “Bakit, ano ba ang role ni James dito? Siya ba ang nakabuntis kay Ate mo?” Hindi siya umimik. “Carl, pwedi ba, si Kuya na lang ang mag-explain sa iyo?” Pakiwari ko ay guguho ang mundo ko. Ramdam ko na si Sir James talaga ang nakabuntis kay Maritess. Tumalikod ako na hindi alam kung saan patungo. Masama ang loob. Namalayan ko na lang na nakarating na ako sa tabi ng ilog kung saan nakatayo ang kubo na ginawa ni Anton. Umupo ako sa damuhang gilid ng pampang, sa lilim ng malaking puno, nababalot ng matinding pagkalito, naglalaro sa isip kung paano tanggapin ang pangyayari at kung ano ang gagawin sa nakaambang pagbabago. Bumabalik-balik sa isipan ang mga katagang binitawan ni Sir James sa akin, “Kapag nagmahal ka, dapat hindi lang puso ang pinaiiral, kungdi pati na rin ang isipan; dapat may direksyon, may pangarap…” “Carl!” Sigaw ni Anton na nasa likuran ko pala, sinundan ako. “Alam ko ang nararamdaman mo. Dadamayan kita.” sabay upo sa tabi. “Salamat Anton. Isa kang kaibigan.” “Basta ikaw Carl, nandito lang ako…” Tahimik. Pinakiramdaman ko ang bugso ng tubig sa ilog, pinagmasdan ang agos nito, ang mga napopormang animo’y ipo-ipo sa gilid ng malalaking bato. “Mabuti pa ang ilog, kahit anong bagay ang humahadlang nito, hindi ito alintana, patuloy at patuloy pa rin ang takbo; ang walang humpay na pagdaloy…” Hindi kumibo agad si Anton, nag-isip ng malalim, pinagmasdan ang ilog. “Tama ka… Kahit ano pa man ang hahadlang jan, susuung at susuung pa rin yan; tuloy-tuloy hanggang sa marating ang dagat kung saan natatapos ang kanyang paglalakbay…” Tumingin sya sa akin. “Di ba dapat ang tao ay ganun din? Dapat ganyan kalakas ang determinasyon. Gaano man kalaki o kahirap ang hadlang, susuung at susuung ka pa rin at lalaban, marating lang ang inaasam-asam na direksyon at patutunguhan sa buhay.” Hindi ako kumibo. “Carl, Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na kapag totoo kang nagmahal, ito ay iyong ipaglalaban” “Oo nga. Ngunit napakahirap pala, tol, lalo na kapag may mga taong nasa gitna, masasaktan o kaya’y masisira ang buhay…” “Ngunit hindi rin lahat na pweding ipaglaban ay ang pansariling kapakanan lang, diba? Pwedi ring ang kapakanan ng kapatid mo, ng nanay mo, o kahit ninomang taong mahal mo. Yung iba nga, ginagawa ang lahat kahit magdusa, liligaya lang ang mga mahal nila. Yung iba naman, buhay ang itinaya…” Para akong nasamid sa narinig, hindi makapaniwalang sa bibig mismo ng napaka-inosente at mahiyaing si Anton manggagaling ang salitang iyon. Tiningnan ko siya. “Alam mo, Carl, nung sinabi mo sa akin na siguraduhin ko at suriing mabuti ang naramdaman ko para sa iyo, nasaktan ako. Ngunit nanaig din sa isip ko ang pagbibigay, ang pagpaparaya. Nasabi ko sa sarili na siguro, kapag nagmahal ka, dapat mo ring kalimutan minsan ang sarili at isipin ang kapakanan ng taong minamahal. Hindi ba pweding imbes na pansariling kaligayahan mo ang ipaglaban, ang damdamin, ang pangarap, at ang kaligayahan nya ang isipin mo? Maraming tao ang nagmahal; ngunit ang klaseng pagmamahal ng karamihan ay pansarili, yung may kapalit o katumbas. Sa pananaw ko, ang sukatan ng tunay na pagmamahal ay kung sa kabila ng tindi ng paghihirap at sakit na naranasan, nagmahal ka pa rin… Yan ang natatanging pagmamahal, Carl. Ganyan ba katibay ang pagmamahal mo para kay Kuya James?” Napabuntong-hininga ako ng malalim. Nag-isip. “Tama ka, tol. Tama ka…” “At kung gusto mo, Carl, umiyak ka ng umiyak. Nandito lang ang mga balikat ko, ibuhos mo ang lahat ng nararamdamang sakit na syang nagpapahirap sa iyo.” Niyakap ko si Anton at humahagulgol, tinatapik-tapik nya ang likod ko. Nung lumuwag na ang pakiramdam, nabuo sa isip ang isang desisyon. Hintayin ko ang pagdating ni Sir James, magpaalam ako ng maayos, at magpakalayo-layo na. Sa gabing iyon hindi pa rin dumating si Sir James. Nung maghapunan kaming lahat, nag-expect ako na buksan nila ang issue tungkol kay Maritess at sabihin sa akin kung ano ba talaga ang nangyari. Ngunit walang isa man lang sa kanila ang nagbanggit. Hindi na ako kumibo pa. Parang meron ding namumuong hinanakit sa loob ko na tila inilihim pa nila sa akin ang nangyari. Ngunit hinayaan ko na lang. “Baka nahiya lang silang sabihin sa akin…” sabi ko sa sarili. “A, e… Tay, bukas ho babalik na akong syudad bukas.” ang sabi kong hindi nagpahalata na masama ang loob. “Ay… bakit naman Carl? Ambilis naman. Nakadalawang araw ka lang dito at bukas na kaagad kamo ikaw uuwi?” ang sagot ni Tatay Nando. “May asikasuhin lang po ako, Tay. At sa palagay ko, hinahanap na ako ng mommy. Wala kasi syang katuwang sa pagaasikaso sa negosyo.” “Sana naman Carl, nandito ka hanggang kahit isang linggo pa. May activity kasi ang pamilya at gusto naming nanjan ka, kasama sa pagdiriwang.” ang sabi naman ni Nanay Narsing. “Ano po ba iyon, Nay?” Tiningnan ni Nanay Narsing si Tatay Nando na tila nag-uusap ang kanilang mga mata. “E… Si James na ang magsasabi sa iyo, Carl. Bilin nya kasi, sya na ang magsabi e. Baka kasi isipin nya na pinangunahan namin sya. Pero basta, matutuwa ka sa sasabihin nya.” ang masayang sabi ni Nanay Narsing. “A, ganun po ba? E, titingnan ko po bukas. Pero, malamang na tuloy na ang alis ko. Pero ganun pa man, baka ho babalik na lang ako kung sakali…” “Sana naman, Carl…” Natapos ang hapunan na ibang topic na ang pinag-usapan. Hindi na rin ako nagsalita pa tungkol doon. Nung magpagpahinga na sina Tatay Nando at Nanay Narsing, nag-isa na naman ako sa kwarto. Sina Anton at Dodong kasi ay dumeretso na sa sayawan, schedule kasi ng kabilang baranggay sa gabi na iyon at sasamahan nila sa pagdayo ang mga kadalagahan ng baranggay nila. Hindi na ako sumama gawa ng gusto ko ring magmumuni-muni. Nakakabagot ang buong magdamag, parang unti-unting dinudurog ang puso sa kakaisip na sa kabila ng matinding hinanakit, parang wala man lang dumamay o kumampi sa akin. Inayos ko na lang lahat ng mga gamit upang pagdating na pagdating kaagad ni Sir James at pagkatapos naming mag-usap ay handa na ang lahat sa pag-alis ko. Litong-lito pa ang isipan kung saan patungo pagkatapos ng lahat o kung anong gagawin upang makalimutan si Sir James. Ngunit ang isinisiksik ko rin sa utak ay kapag kaharap ko na sya, maging mahinahon ako, maging malawak ang pag-unawa, at mapagparaya. Hinding-hindi ako magagalit, o ni magtanim ng galit sa kanya. At wala akong taong sisisihin. Mag-aalas-onse ng tanghali kinabukasan dumating si Sir James, may dalang pasalubong at pagkain para sa lahat. Pagkakita ko palang sa kanya, mejo napansin ko ang parang pamumutla nya at ang tila pagpayat. Parang napakalungkot at matamlay ang aura nya. “A, siguro dahil kulang sa tulog sa piling ni Maritess” ang bulong ng isip ko. Ramdam kong sumikip ang dibdib, may namuong selos at pagkaawa sa sarili. Tumalikod kaagad ako nung makita syang nakatinging sa akin. Dali-dali akong pumasok ng kwarto, naupo sa papag, nakasandal sa dingding na kahoy. Pagkatapos nyang i-abot ang mga pasalubong sa pamilya kina Tatay Nando at Nanay Narsing, agad-agad naman syang pumasok sa kwarto, sinundan ako at naupo sa tabi. “Hi Carl! Musta ka na? Sensya ka na, natagalan ako” ang sambit nya habang iniabot sa akin ang pasalubong nyang, siopao. Alam nya kasing na-miss ko na ito sa dati kong kinakainan nung nag-aaral pa lang. “Importanteng-importante lang talaga. Sorry…” “Ok lang iyon, James, wag kang mag-alala, ok lang ako.” ang sagot ko na lang kahit na sa loob-loob ko, paang sasabog na ito sa pagdaramdam. “Nandito naman sina Anton at Dodong, may sayawan nga nung isang gabi, sumama ako sa kanila. Ikaw? Parang namumutla ka ata?” “Hindi, ok lang ako… Ikaw, kwento ka naman kung anong nangyari sa sayawan?” ang paglihis nya sa usapan. “Yun… natuto na si Antong sumayaw at mayron na ring kaibigang babaeng nagkakagusto sa kanya at sa tingin ko, type din nya.” “Talaga? Hahaha! Akalain mo… Ikaw? Nag-enjoy naman sa lakad mo?” “Nag-enjoy naman…” ang halatang malungkot kong pagkasabi. “Ey… may problema ba? Ba’t ganyan ang mukha mo?” “Wala. Ikaw naman o… Ok lang ako. Ikaw, baka meron?” Bigla syang natahimik at lumungkot ang mukha. Binitiwan ang makahulugang titig. Noon ko pa lang nakita ang ganung klaseng titig sa kanya. Pakiwari ko’y mayron syang pinapasang sobra-sobrang bigat na suliranin. Nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata nya, yumuko at pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. “James, may problema ba?” tanong ko sa kanya, kunyari wala akong kaalam-alam. “Wala naman, Carl. Mamaya, mag-usap tayo. Mananghalian muna tayo.” “Aalis na ako James, babalik ng syudad.” “Ha? Bakit?” Ang tanong nyang halatang nabigla. “Carl, please wag ka munang umalis” pagmamakaawa nya. “Kailangan ko nang umalis, James…” “Pero bakit nga? May nagawa ba ako?” Hindi ako kumibo. Hindi na rin sya kumibo. Yumuko sya, at nakita ko na lang ang luhang umaagos na sa pisngi nya. Tiningnan ko lang sya, hindi maintindihan kung maaawa o ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. “Kung ayaw mong magsalita tungkol sa problema mo, ok, fine…” “Carl, naramdamn kong may alam ka na. Oo, nagkasala ako sa iyo…” at tuluyan na syang humagulgul. “Hindi ko sinadya ang nangyari, Carl, maniwala ka. Alam mong si Maritess ay kapatid ang turing ko. Ngunit nung may isang beses na naglasing ako dahil sa sobrang lungkot na wala ka, si Maritess ang umaalalay sa akin. Maniwala ka, Carl, please…” Hindi ako nagpakita ng emosyon, pinigilan ang sariling umiyak o magalit. “E, ano ang plano mo ngayon?” “Paninindigan ko ang nangyari. Magpakasal kami ni Maritess sa darating na linggo. Sana nandito ka sa araw na iyon, Carl.” Parang sinaksak ng ilang beses ang dibdib ko sa narinig. Ngunit hindi pa rin ako nagpahalata sa sobrang sakit na naramdaman. “Hindi ko alam, James, pag-isipan ko pa. Basta, titingnan ko.” Tumayo ako upang lumabas na sana ng kwarto. Ngunit nung tumayo din si Sir James upang sabayan ako, bigla na lang itong nabuwal. Inaalalayan ko kaagad. “Ok ka lang ba talaga?” “Ok lang ako, Carl. Hihiga na lang muna ako. Napagod at nahilo lang ako sa biyahe.” Naglatag na lang ako ng banig at pinahiga sya, nung ipinikit nya ang mga mata, napansin kong animoy pagod na pagod sya o nahihirapan. Pero, hindi ko na binigyan-pansin pa. “Sige, pahinga ka muna at magpaalam lang ako kina Tatay at Nanay bago umalis…” Nasa pintuan na ako nung pahabol nyang sinabi. “Carl, ano man ang mangyari, wag mong kalimutan ang pagmamahalan natin. At tandaan mo, mahal na mahal kita. Hinding-hindi magbabago yan.” Lumabas ako ng bahay upang magpaalam na kina Tatay Nando at sa buong pamilya. Ngunit hindi nila ako pinayagang umalis agad. Sa kinahapunan na lang daw at magkakatay sina Tatay Nando at Anton ng manok at mag-iihaw at konting inuman, yun daw sana kasi ang plano nila para sa akin at dahil hindi ako nagpapigil sa pag-alis, sa oras na iyon na lang nila gawin. At kaagad ngang nagkatay ng apat na manok. Ang isa ay ginawang tinola, ang isa ay inadobo, at ang dalawa ay inihaw. Naglabas naman ng tuba si Dodong at si Anton ay kinuha ang gitara. “Tay, hindi po ako pweding iinom ng marami at baka di ako makapagbiyahe.” sabi ko. “Wag kang mag-alala, konti lang. Ihahatid ka nina Anton at Dodong sa may sakayan sa lungsod.” sagot naman nya. “Tawagin nyo si James para sumali na rin sa atin.” ang pag-utos ni Itay kina Dodong at Anton. Pinuntahan ni Dodong si Sir James sa kwarto ngunit natulog pa daw ito. Nag-inuman na nga lang kami na hindi kasali si Sir James. Naggigitara si Anton, kantahan naman sina Dodong, Tatay, pati si Nanay at ang bunsong si Letecia ay nakisali na rin. Habang masayang-masaya sila, animoy tinutusok naman ang puso ko. Pakiwari ko’y napakabagal ng takbo ng oras. Alas tres na ng hapon nung matapos kami. Nung kinuha ko na ang mga gamit ko sa kwarto, himbing na himbing pa rin si Sir James. Napansin kong suot-suot nya ang bracelet na bigay ko nung pagdating ko pa lang, kinumpara ang suot-suot kong kapareha rin nyon. Ibinaling ko ang paningin sa kaya. Nakahigang nakatihaya, ang isang kamay ay nakapatong sa noo. Nandun pa rin ang angking kakisigan, ganda ng porma ng katawan sa kabila ng mejo pagpayat niya. Pinagmasdan ko syang maigi, tinatandaan ang mga maililiit na detalye sa lahat ng angulo ng mukha, ng anyo, sa pangambang baka iyon na ang huling sandaling masulyapan at masilayan sya. Hinipo ko ang mukha nya, ang buhok. Sumikip ang dibdib ko sakit na nadarama ngunit pinilit ko pa ring lakasan ang loob at wag umiyak. Nung hindi na ako makatiis, yumuko ako at idinampi ang mga labi sa mga labi nya. Di ko rin napigilan ang pagpatak ng luha ko sa pisngi nya. Pinahid ko ito. Hindi pa rin sya nagising. Binulungan ko sya, “Bye, James… Oo, hindi ko kakalimutan ang pagmamahalan natin, saan man ako mapadpad… Babaunin ko ang mga matatamis at magagandang alaala. Salamat sa pagmamahal; salamat sa mga oras na iginugul mo upang madama ko ang pagmamahal mo. Salamat sa lahat ng magagandang bagay na ginawa mo upang mabago ang takbo ng buhay ko. Sana, liligaya ka sa desisyong ginawa mo. Good luck sa iyo at sa bagong buhay na tatahakin. Sa parte ko, wag mong intindihin dahil ipagpatuloy ko pa rin ang buhay kahit na wala ka. Wala akong pinagsisisihan. Bagkus, nagpapasalamat ako dahil ang isang taong katulad mo ay naging malaking bahagi ng buhay ko. Wag kang mag-alala; wala akong galit na kinikimkim at tanggap ko ang lahat ng maluwag sa dibdib. At mas naintindihan ko na ngayon ang dati mo pang sinasabi sa akin na pangarap. Lalo akong humahanga sa katatagan mo, sa paninindigang ipinamalas mo. Gagawin kong patnubay ang mga itinuturo mo sa akin. Ikaw pa rin ang inspirasyon ko. Kahit saan naman, talagang idol kita, e. Ang hiling ko lang ay sana wag mo ring kalimutan na may isang taong hindi lang humahanga sa iyo, kungdi nagmahal ng lubos; isang taong handang gawin ang lahat; handang magparaya at magbigay, kahit ito’y nangangahulugang mapalayo ka sa akin, para sa ikaliligaya at katuparan ng pangarap mo. Masakit… ngunit handa ako. At kaya kong magtiis gaano man kalalim ang sugat na dulot nito. Ganyan kita kamahal… Alagaan mo palagi ang sarili mo, James.” at idinampi ko muli ang mga labi ko sa mga labi nya. Hindi pa rin sya gumalaw. Akmang tatalikod na sana ako nung mapansin ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata nya. Dumaloy ito sa tenga at bumagsak sa unan. Hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang sya at narinig ang mga ibinubulong ko. Ngunit hindi ko na alintana. Dinampot ko ang knapsack at tuluyan ng lumisan… [ITUTULOY...] Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha Tags: IDOL KO SI SIR
Mar
18
2009
Si Dodong at ang SayawanPosted by tagaBLOGniBEANS in IDOL KO SI SIR, KWENTONG KAGIGILIWANNgunit iba ang sa kanila. Malapad ang lugar na may kasing-lawak ng basketball court, alikabukin pa ang lupang hindi sementado. Kitang-kita ang mga bituin sa langit kapag ibaling mo ang mata sa itaas dahil sa walang bubong ang sayawan. Kahit walang koryente, 6 na petromax naman ang nagsilbing ilaw na nakasabit sa mga poste sa gitna pa ng sayawan mismo. Center of attraction ka kapag sumayaw, sa tindi ba naman ng liwanag na galing sa petromax, pati ulo ng mga sumasayaw nakakasilaw na rin. At kapag ba naman imbes shampoo ang panlinis ng buhok e, ordinaryong panlabang baretang sabon at preskong gata ng nyog ang conditioner… lalo talagang sisilaw ang ulo nila, amoy-gata pa. Ikaw ba kaya ang nakatira sa gitna ng napakalawak na nyogan kung hindi ka rin mangangamoy gata… Sa pakiwari ko, iyon na ang kanilang trade scent. Kumbaga, kapag di sila nangangamoy gata, di sila “in”. Ewan, hindi lang ako sigurado. At heto pa, kapag sasayaw ang isang lalaki, dapat ay may kaparehang babae na syang pipiliin nya galing sa mga nakahelerang dilag sa gilid ng sayawan. Kumbaga, para kang nasa palengke ng isdaan at mamimili ng talakitok. Kaya kapag may type ang isang binata, dapat maliksi upang hindi mauungusan ng ibang mga kalalakihan ang napipisil na talakitok, este, dilag. Hindi pa man nakapagsimula ang tugtug, ayun, takbuhan na. Kaya ang ginagawa ng ibang lalaki para hindi maungusan, nagbabayad sila ng exclusive na sayaw. Yun nga lang, may kamahalan. At ang kawawa lang din ay ang dalagang nakahelera na mejo nangungulubot na ang mukha, o yung may tinatawag na nilang unprescribed face, o kaya’y kinukulang sa fresh gata-conditioner ang buhok, at mag-iinit talaga ang pwet nya sa kauupo, hehehe. Ang hinahangaan ko lang sa sistema nila ay ang tulungan ng mga dalaga’t binata. Ang mga binata sa lugar nila Anton ang syang sumusundo sa mga dalaga’t binata naman sa karatig-baranggay. At kapag ang karatig-baranggay ang may ganung sayawan, ang mga binata’t dalaga naman sa baranggay nina Anton ang sinusundo. Walang kumpetensyahan. May coordination ang mga schedule ng kanya-kanyang sayawan. Bumili kaagad ako ng ribbon, tig-iisa kami ni Anton at Dodong. Nung mapansin kaagad ng announcer na nandun ako, umaalingawngaw kaagad ang mikropono, “Ang sunod na pyesang ito ay exclusive para lamang sa ating espesyal na bisita na galing pa sa malaking syudad na walang iba kundi si Sir Carl Miller at mga kasama niyang sina Anton at Dodong! Walang hahalo sa kanila please!!!” pakiusap pa ng announcer na syang taga-anonsyo kung anong kulay na ribbong nabili ang pweding sumayaw sa kada tugtug. Napansin ko na lang na nagsitabihan na ang ibang mga kalalakihan, ang lahat ng mata ay nakatutuk sa amin. Para bang isa akong dignitary o artista na pinoprotektahan at pinagkaisahang pagbigyang daan. Parang may kumikiliti sa puso ko sa eksenang iyon, kinabahan na natutuwang di maintindihan. Tiningnan ko agad ang mga dalagang nakahelera sa gilid ng ticketing table. Yung iba nagingiting nahhihiya, ang iba’y nagsiyukuan na parang nininerbyos. Ngunit dama ko din ang nararamdaman nilang excitement na baka sila ang pipiliin ko, o ng mga kasamahan ko. “Anton hali ka na!” Ang pag encourage ko sa kanya. Ngunit sa kabila ng pagtawag ko, ayaw pa ring sumunod ni Anton sa gitna ng sayawan. Hinila ko na sya. Para kaming nag tug-of-war habang si Dodong naman ay tila sanay at mangiti-ngiti lang sa likod namin, tinitingnan-tingnan si Anton at tinutulak-tulak na rin. Pakiramdam ko’y malulusaw na sa hiya ni Anton. At dahil sa kahihila ko at katutulak ni Dodong, nakapasok din kami ng bahagya sa loob ng sayawan. Palakpakan. “Tingnan mo, tayo lang ang tinitingnan-tingnan ng mga tao, halika na at nakakahiya!” Walang magawa si Anton kundi ang sumunod. Sumunod na rin si Dodong na sa tingin ko’y sanay sa ganung mga sosyalan na kabaligtaran naman sa mahiyaing kuya nyang si Anton. Pumili ako ng kapareha, yung pinakamaganda at pinakamabenta. Bata, matangkad, chinita, sexy, mahaba ang buhok at syempre, gumagamit ng fresh gata-conditioner (hehe). Nilingon ko sina Anton at Dodong. Si Dodong, nakapili na ng babae at walang ka-kyemekyemeng hinawakan ito sa beywang at sumayaw na, habang si Anton ay pumili-pumipili pa lang, parang nininerbyos. Maya-maya lang at dumeretso na sa gitna, naka-sunod sa kanya ang isang babaeng, maputi, maganda ang katawan, makinis, at mejo singkit ang mga mata. “Magaling din namang pumili ang loko” sabi ko sa sarili. Pumuwesto sila sa gitna, tabi namin. At dahil sa mahiyain, hindi magkamayaw kung paano simulan. Nakita ko na lang na hinawakan ng babae ang mga kamay ni Anton at inilagay ang mga ito sa magkabilang beywang niya. May pagka-outgoing ang babae sa tingin ko at napansin kong habang parang matitisod si Anton sa paggalaw, si babae naman itong nagtuturo at tila nag-iinstruct. “Hmm, mukhang type ni babae si lalake” sabi ko sa sarili. Nakakatuwang pagmasdan sina Anton. Ang babae, tanong ng tanong ng kung anu-ano, halatang kinikilig, habang si lalake naman ay halatang nanginginig at pinapawisan na di mapakali. Natapos ang tugtog at tila tulala pa rin si Anton, hindi makapaniwalang nakumpleto ang buong tugtog na hindi natapilok o nag-collapse. “Ey! Tulala ka pa yata. Anong feeling ng naka-yakap ng babae?” “Eh, pinapawisan ako eh… hehe!” “Pansin ko nga. At nanginginig ka, tol. Magandang senyales yan. At type ka pa yata nung babae na yun. Type mo ba sya?” Ngingiti-ngiti lang si Anton, parang nahiyang umamin. “May hitsura, makinis, madaldal, at sweet. Tinuruan nga nya ako kung paano igalaw ang mga paa, e. Kung hindi lang sya marnong magdala, natapakan ko na sya o kaya’y natapilok na ako” “Hahaha! Mukhang natamaan ka, ha? O sige, isayaw mo pa sya.” “Nahiya pa rin ako, Carl.” “Ok, palamig ka muna at maya-maya, sayaw ulit tayo.” At sikreto kung pinapuntahan kay Dodong ang announcer at nagbayad sa ticketing table ng 500pesos para sa isang espesyal na tugtug. Maya-maya, umaalingawngaw muli ang mikropono, “Ang susunod na pyesa na ito ay exclusive, para sa isang tao lamang na walang iba kungdi si Anton!!!” Walang hahalo please!” Lumaki ang mata ni Anton nung marinig ang pangalan nya, di makapaniwala. Kilala ng lahat si Anton na napakamahiyain, ngunit matulungin at mabait. Pinakawalan ko ang masigabong palakpak at nagsunurang magpalakpakan na rin ang lahat. Hiyawan, tawanan pag-encourage kay Anton na pumasok na sa loob ng sayawan at pumili ng babae. Ang ibang mga kalalakihan ay ginabayan pa sya at pilit na hinihila patungo sa mga nakahelerang dalaga. Wala na namang nagawa si Anton kungdi ang tunguhin ang helera ng mga babae at pumili. At hindi nga ako nagkamali, yung unang babae pa rin nyang nakapareha ang pinili. At sinundan pa iyon ng ilang mga exclusive na sayaw pa, requests at bayad kong lahat either exclusive para kay Anton lang, o minsan sa aming tatlo, hanggang sa napansin ko na lang na mejo ginanahan na si Anton sa pagsasayaw na kahit hindi na exclusive ay nakikipag-unahan na rin. At naging suki nya ang maputing singkit na babae. Kitang-kita ko sa mga mata ni Anton na na-eenjoy na nya ang pagsasayaw. Kahit modern dance ay sumabak na rin kahit na ang tugtug ay walang katurya-turya. Mag aalas 2 na ng madaling araw nung matapos ang sayawan. Lumapit na sa akin si Anton, bakas sa mukha ang ibayong sayang naramdaman sa sayawang iyon. “O, nag-eenjoy ka ba?” tanong ko. “Sobra, grabe! Huh! Ngayon ko lang naeenjoy ang ganito!” ang excited na sagot nya. “Sabi ko nga sa iyo e! O, nasaan na pala si Ester?” ang tanong ko, tukoy sa babaeng naging suki nyang partner sa sayawan. “Pauwi na sila, e. Nasa kabilang baranggay pala iyon nakatira, kaya pala parang ngayon ko lang sya nakita.” “Hmmm, mukhang nagkakakilala na kayo ha.” sabi ko sabay kindat at pabirong tinampal ang likuran nya. “O, e… bakit hindi ka sumama sa paghatid sa kanila para malaman mo kung saan ang bahay at hindi ka mahirapan kung sakaling maisipan mong dalawin? Tutal marami naman kayong kalalakihang maghahatid, diba?” “E, paano ikaw?” “Ano ka? Ang lapit-lapit ng bahay natin eh. Dideretso na ako. Wag mo na tong palampasin, ok?” Nilapitan ko ang mga kalalakihan at kababaihang handa nang umalis patungong kalapit-baranggay. “Ey, sasama si Anton sa grupo ninyo, kayo na ang bahala dito ha? Alam nyong ngayon lang yan sumasama sa ganito.” “Wag po kayong mag-alala, Sir Carl. Kami na po ang bahala sa kanya!” sagot ng mga kalalakihan. Nilapitan ko si Anton. “O, panu tol. Tutuloy na ako. Ingat ka at enjoy!” “Salamat Carl! Ikaw din, ingat!” Umuwi akong mag-isa dahil si Dodong ay meron ding nililigawan at inihatid din. Pagdating ng bahay, hindi kaagad ako nakatulog. Naglalaro pa rin sa isipan ang mga nangyayari sa sayawan, at ang matagumpay kong pag expose kay Anton sa pakikipag kaibigan sa babae. Nakikinita ko, na iyon na ang magiging simula para tuluyan nya nang malimutan ang sinasabi nyang pagmamahal para sa akin at mabuksan ang pintuan para kay Ester. Ramdam ko ang saya para sa kanya; ang saya ng pagbibigay at pagpaparaya, ang saya ng pagsasakripisyo ng ilang bagay upang maging maligaya, o mabago ang takbo ng buhay ng isang mahal na kaibigan. Ngunit sa likod ng isipan ko, parang mayroon ding konting kirot na nararamdaman. Siguro iyon ang kirot para sa nakaambang pagbabago ng aming pagiging close sa isa’t-isa, o yung sinasabi nilang “letting go” ng closeness ng isang mahal na kaibigan. Siguro, masyado lang advanced akong mag-isip, nangangamba na baka tuluyan ng mag-iba si Anton kapag nagka-girlfriend na. Kung dati sa akin lang umiikot ang mundo nya, baka mawalan na sya ng oras para sa akin, o magbago ng tuluyan ang dati naming masasayang samahan. Binitawan ko ang malalim na buntong-hininga. “Ganyan talaga ang buhay, walang permanenteng takbo, o kasiguruhan. Minsan, darating na lang ang mga taong di natin inaasahan sa buhay, mamahalin at hanap-hanapin. Ngunit hindi ito magtatagal; aalis din sila dahil hahanapin din nila ang mga sarili, o ang mga pagbabago na dapat gawin, o ang mga posibilidad na magbibigay kahulugan sa mga buhay nila. At dahil mahal, hahayaan natin silang lumipad at makalaya kumbaga, magtagumpay, lumigaya… sa kabila ng sakit na maaaring idudulot nito at ng pagbabago…” Halos mag aalas kwatro na ng madaling araw nung maidlip ako; mag-aalas onse na rin ng tanghali kinabukasan nung magising. Narinig ko ang masayang pagkukuwentuhan nina Dodong at Anton sa mga nangyayari sa sayawan, at syempre, sa kani-kanilang mga kaibigang babae. “Kuya, kumusta kayo ni Ester? Naka first base ka ba kagabi?” ang tanong ni Dodong kay Anton. “Anong first base?” sagot naman ni Anton. “E… yung kahit papano, naiparamdam mo sa kanya na may gusto ka sa kanya.” “Hindi ko alam” “Ibig mong sabihin, wala kang ginawa?” “Paano ako makaporma e, ako itong pinopormahan eh!” sabay tawanan ang dalawa. “E, hindi ka nga naka-first base kuya, homerun pa. Hahahah! Alam mo kuya, kitang-kita naman sa mga kilos ni Ester na type na type ka nya eh. Halos hahalikan ka na nga lang sa labi kung makikipagusap sa iyo. Hayup ka talaga sa appeal kuya!” “Hindi naman… Pero, maganda si Ester, di ba? Balingkinitan, makinis…” “Ibig mong sabihin kuya, liligawan mo na sya?” “Hmmm. Siguro.” “Good morning!” ang pag-greet ko sa kanilang dalawa. “Good morning din po!” sagot naman nila. “Mukhang memorable ang sayawan na yon kagabi ah!” “Opo Kuya Carl! Lalo na kay Kuya Anton! In-love na yata, hehehehe!” “Heh! Lokoloko! Ikaw nga jan e!” ang sagot naman ni Anton na nahiyang umamin. [ITUTULOY...] Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha Tags: IDOL KO SI SIR |