Archive for the “SI BINS AT SI SINT” Category

Bins: Hoy! Sint, ano ginagawa mo? Bakit ka nagiimpake ng gamit mo?

Sint: Kasi, bakit nga ba? Kasi uuwi kasi ako sa amin! Ikaw ba? Hindi ka ba uuwi sa inyo?

Bins: Hindi eh, magsusummer class kasi ako para mabilis akong makatapos diba. Malay mo! Baka tatlong taon lang ako mag-aaral.

Sint: Tapos madidissmiss ka na?

Bins: Di no! Tapos graduate na ako! Haha!

Sint: Ambisyoso to! Ikaw? Matatapos ng tatlong taon ang course mo? Asa ka pa! Hehe. Ayoko na rin kasing magsummer. Tapos na ako sa ganyang stage ng buhay college ko. Kasi naman, di ko alam, parati ako nagsusummer at ito ang nangyari sa akin. Tinamaan ng katamaran, parang pagod na rin akong mag-aral. Kaya ang dami kong naidrop na sujects ko.

Bins: Sa tingin mo tama ang rason mo? Kasi tinatamad ka na, kasi sawa at pagod ka na sa pag-aaral kaya hahayaan mo nalang na ibagsak ang mga subjects mo o sadyang hindi na pumasok? Naisip mo ba minsan ang nanay mo? Kung sawa na rin ba sila? Kung pagod na rin ba sila sa kakapadala ng pera para sa iyo? Para sa pag-aaral mo? sana naisip mo iyon bago ka nagdesisyon na bitawan lahat ng responsibilidad mo.

Sint: Oo nga eh, iyon na nga eh. Inaamin ko naman na mali ako.

Bins: Tapos? Porket inaamin mo, porket aminado ka sa mga pagkakamali mo ay tapos na ang lahat? Sino ang mahihirapan? Sino ang kawawa? Ikaw pa rin Sint, kasi ikaw pa rin ang mag-aaral para sa kurso mong iyan. Sino ba pumili ng kurso mo? Sino ba ang nagdedesisyon na magsusummer ka o hindi? Diba ikaw rin? Diba ikaw ang may gusto niyan? Sana panindigan mo. Bakit ba kasi nangyari ito sa iyo? Ano ba kasi ang nakain mo?

Sint: Hindi ko alam…

Bins: Sa tingin mo tama ba ang sagot mong iyan? Maawa ka naman sa nanay mo. Sige, tanggapin natin, nangyari na ang lahat eh, pero sana, sa susunod, kung may susunod pa man o kung may pagkakataon pa, ayusin mo na ang buhay mo ha. Sana sa desisyon mong ito, mapagnilaynilayan mo ang mga bagay bagay. Alalahanin mong responsibilidad mo ang mag-aral sa ngayon kaya sana gawin mo ng maayos. Ito na nga lang ginagawa natin ipapalya pa natin. Umayos ka nga.

Sint: Oo nga eh. Hindi ko desisyon ito, sabi kasi ni nanay, magpahinga daw muna ako. Kaya hindi siya pumayag na magsummer ako. Sa katunayan nga ay siya pa ang excited na kumuha ng tiket ko pauwi. Okay naman siguro ako. Kailangan ko lang talaga ito. Sabi din naman nila diba, Mothers know what’s best. Sana ito ang best.

Bins: Kelan pala ang flight mo? Ang dami mo namang dadalhin!

Sint: Sikret, basta next week na ang alis ko. Ano, ano balak mo gawin? Bored kasi ako.

Bins: Tara! Gala tayo.

Sint: Sige, tapusin ko lang ito.

Tags:

Comments No Comments »

Bins: Good morning! Kamusta naman ang araw mo?

Sint: Wah! Bakit ka nandito? Umalis ka nga! Wala akong damit! Alis alis! Mamaya ka na mangulit! Bihis lang ako. Loko to!

Bins: Dami mong sinabi! Sige, hintayin kita dito sa labas! Ang batugan mo talaga!

Sint: Oh, bakit ka andito? Ang aga aga nanggugulo ka na! Oh, anong atin?

Bins: Maaga?! Alas singko na ng hapon maaga pa ba iyon? Tara! Inum tayo! May problema ako.

Sint: Bakit? Kapag nag-inuman tayo mareresolba ang problema mo?

Bins: Ang dami dami mong sinasabi! Ano? Sasama ka ba o hindi?

Sint: Saglit lang, bihis lang ako! Ikaw naman… Naku kung hindi ka lang malakas sa akin hindi kita pagbibigyan! Saglit lang, bihis lang ako!

Bins: Bilisan mo!!! Uhaw na ako! Haha

Sint: Tara!

Sint: Kuya, isang tower nga at dalawang fries.

Bins: Akala ko ba nagdidiet ka?

Sint: Ako din eh! Oh ano? Ano na? Ano na pag-uusapan natin?

Bins: Mamaya na! Masyado ka naman hot! Kapag natipsy na ako saka ko sasabihin.

Sint: Para ka talagang tanga! Oh sige! Kanta ka na lang muna habang wala pa ang tower.

Bins: Haha! Sige sige! Isang kanta lang ha. *Kanta Kanta Kanta*

Bins: Kasi Sint, ganito iyon. Ewan ko ba pero madaming beses na kasi na may nagkakagusto sa akin…

Sint: Wow! Ang yabang natin ngayon ah! Wuhoo!!! Ang lamig. Tapos?

Bins: Loko! Seryoso ako!!! Kasi nga, ewan. Tapos ang nagiging image ko, pa-asa daw ako.

Sint: Kasi bakit mo pinapaasa! Sinasaktan mo sila! Bad yan Bins.

Bins: Iyon na nga eh. Hindi ko sila pinapaasa, kasi wala naman talaga. Alam mo naman diba. Kung ano ako? Ganito na kasi talaga ako. Mabait (ehem) sweet (ehem) pasweet pala.

Sint: Eto kamao ko gusto mo? Ang yabang mo!

Bins: Hindi naman sa ganoon kaso iba kasi. Iba talaga ang pakiramdam kapag may mga nangyayaring mga ganitong bagay sa buhay ko. Hindi pa ako nasasanay at ayaw ko talagang may masaktan.

Sint: Bakit ba kasi? Ano naman ang problema kung madami nagkakagusto sa iyo? Bakit ba kasi ayaw mo?

Bins: Kasi ayaw kong makasakit ng ibang tao. Ayaw kong magpaasa.

Sint: O, ganun naman pala. Ano na ang balak mong gawin?

Bins: Kasi iba ako, pag may mga ganoong pangyayari, lumalayo ako, umiiwas. Kasi diba. Para matigil na.

Sint: Bakit ayaw mo kausapin ng harap harapan?

Bins: Baka naman kasi sabihing ang yabang o ang feelingero ko diba?

Sint: Kesa naman para kang tanga! Lalayo ka ng parang ewan. O baka naman kasi nagaassume ka lang? Ano ba kasi talaga?

Bins: O sige, ganito na lang. Bakit ayaw ko? Kasi ayaw ko ng commitment. Ayaw ko muna magcommit sa ngayon. Masakit pa rin kasi. Alam mo naman ang mga nagyari sa buhay ko dati. Kaya ganun, kaya ayaw ko muna. At kontento na kasi ako sa buhay ko na ganito. Kahit walang commitment, masaya naman ako.

Sint: Anong point mo? Bakit kailangan pa nating mag-inuman para lang sa problema mong ito?

Bins: Oo, kasi baka hindi ko masabi kapag hindi ako nakainum.

Sint: Ang labo mo! Palibhasa ito lang ang problema mo! Eh paano na ako? Ang acads ko? May exam pa ako bukas tapos ito lang pala ang problema mo? Hindi ako makakapag-aral nito dahil sa ginawa mo eh.

Bins: Huwag ka ngang OA! Maaga pa. O tara na, tama na! Uwi na para makapag-aral ka na. Teka lang bayaran ko muna itong nainum natin! Grabe ka! Ang dami mong naubos na pulutan! Sarap ng diet natin ah! Haha

Sint: So, ano na? Okay ka na ba? Ano ba talaga gusto mong sabihin? Isang sentence lang para malinaw.

Bins: Ayaw ko muna magcommit at hindi ko pipilitin ang sarili kong magcommit kasi ayaw ko at hindi pa ako handa sa mga ganyang mga bagay.

Sint: Wow! Ang lalim at alam mo, ang yabang mo talaga!

Bins: Hindi naman. Sinasabi ko lang kung ano nasa isip ko para mailabas ko lahat. At least walang burden sa part ko. Kesa naman sa iba na tahimik lang tapos hindi mo alam may giyera na pala. Haha! Ui, salamat ha!

Sint: Okay ka na ba talaga?

Bins: Oo nga! Okay na ako. Sige uwi ka na. Mag-aaral ka pa eh.

Sint: Sige sige! Ikaw! Huwag ka na kasi masyadong swit! Marami maloloko sa iyo!

Bins: Loko ka ah!

Tags:

Comments No Comments »

Sint: Bins! Hoy! May sasabihin akong importante kaso gusto ko tayong dalawa lang.

Bins: Bakit naman? Anong meron? Sabihin mo na kahit madaming tao! Haha! Para ka namang seryoso! Ano ba kasi ang meron?

S: Basta! Tara na, doon tayo sa sulok para walang makarinig

*Kinuyog ni Sint si Bins sa isang sulok ng gusali. Tiningnan niya ang paligid para makasigurado na sila lang ni Bins and naroon at nagsimula na itong magkuwanto*

S: Alam mo naman Bins diba kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Alam mo kung ano ang nangyayari sa pamilya, sa pag-aaral at pati na rin sa sexlife ko.

B: Teka, teka. Sa pamilya at sa pag-aaral, alam ko. Pero ang sexlife mo, aba wala akong alam. *Tinitigan ni Bins si Sint* Teka nga! Anong kalokohan to?

S: Ano ka ba! Kung iyon ang iniisip mo, mangarap ka! Hindi ah! Tungkol to sa pag-aaral ko! Kasi diba, alam mo naman na maaring madismiss ako ngayon semester… *Napailing lang si Bins* Nakausap ko na si nanay at si tatay tungkol sa bagay na iyon at ayon, galit na parang hindi. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang pinapagawa nila sa akin.

B: Bakit? Ano ba ang sinabi mo?

S: Inamin ko na ganun nga ang nangyari sakin. Tapos ayon, nanlulumo nga ako kasi puro na lang ganito ang mga sinasabi ko sa kanila. Sa tuwing nagpapadala ako ng e-mail kay nanay, puro na lang problema. Naaalala mo noong isang beses nang sinabi ko kay nanay tungkol sa ex ko? *Tumango si Bins* Naaalala ni nanay iyon at lalo akong nabaon sa lupa sa hiya at sa sakit na naramdaman ko dahil sa pangyayaring iyon.

B: So, anong plano mo? Bakit ba naman kasi sinasabi mo sa kanila ang mga problema mong ganyan?

S: Siyempre, karapatan din naman nilang malaman iyon bilang magulang ko diba. Alam mo na nga ang sitwasyon ko diba pati na ang mga iba pa nating kaibigan pero hindi ko na kasi talaga kayang itago sa kanila. Kesa naman mag0expect sila na ganito ganyan ako tapos kabaligtaran pala ang nangyayari.

B: Tapos? Bakit kailangang tayong dalawa pa ang mag-usap nang ganito? Ano ka ba naman! Ganoon ba ka maselan ang bagay na ito para tayong dalawa lang dapat ang nandito?

S: Kasi, gusto ni nanay na… *Napabuntong hininga si Sint* Gusto ni nanay na kung sakaling hindi ko maayos ang mga bagay na ito, gusto niyang umalis ako sa lahat ng organization na kinabibilangan ko at nais na rin niyang ibalik ako sa dorm. Baka nga ilipat ako ng paaralan kung sakali. Ayoko ng ganun. Nahihiya na nga akong humingi ng pera sa kanya eh kasi feeling ko hindi ko deserve iyon.

B: Ah eh… Paano na iyan?

S: Hindi ko alam… Basta ang alam ko, ayaw kong malipat ng paaralan at ayoko rin iwan ang mga organization ko. Ayoko rin lumipat ng dorm. Basta… Sana matapos ko ang degree program na ito… Tulungan mo naman ako oh! Sige na!

B: Oh sige! Paano naman? Kasi naman napakatamad mo!

S: Iyon nga ang problema ko, sobrang katamaran… Ganito na lang, dapat ikaw magdala sakin. Patulugin mo ako ng maaga at gisingin mo ako ng maaga. Tapos sabihan mo ako kapag may mga bagay na dapat akong ginagawa at sitahin mo ako pag lumilihis na naman ako sa daan tungo sa tagumpay.

B: Ano ba naman iyan! Gawain mo dapat yan eh! Responsibilidad mo iyan! Kasi naman! Estudyante ka pa rin! Gawain mo ang gumising ng maaga at gawin ang mga requirements mo! Ah ah naman to oh! Tsaka pumunta ka dito mula sa inyong bukirin para mag-aral at hindi para matulog o di kaya ay magpakasasa sa kalayaan mo! Umayos ka! *Sabay suntok sa mukha ni Sint*

S: *Halatang nasakta* Salamat ha! Kailangan ko iyon. Basta pangako mo ha tutulungan mo ako! Buti ka pa nga wala masyadong pinoproblema! Buti ka pa…

B: Anong wala?! May problema ako no! Ikaw! Ikaw ang problema ko ngayon. Tsk tsk tsk! Tara!  Umayos ka na ha! Kain tayo at ililibre mo ako! Haha!

S: Sige! Maraming salamat Bins *Sabay suntok sa mukha ni Bins* Ayan, para sa maraming beses na pagpapalibre mo sa akin at ganti na rin sa pagsuntok mo sa akin kanina. Ang sakit nun ha!

*At nagtawanan na ang dalawa*

S:(Sana malampasan ko ang problema kong ito)

Tags:

Comments No Comments »