Archive for the “LIGHTER” Category

Tanghali na nang nagising si Beans. Late na sita sa isa niyang laboratory class kaya hindi na niya naisipang pumasok. Sa halip ay itinalukbong niya ang kumot sa sarili at muling nahimbing.

*Nagvavibrate ang cellphone* Nagising si Beans dahil sa nararamdaman niyang vibration at dali-daling binuksan ang kanyang laptop sabay click sa nakangising bilog na kulay dilaw sa kanyang shortcut menu. Masaya na naman si Beans. Nakangiti habang pinipindot ang bawat letra sa kanyang keyboard.

*BUZZ*
*Kamusta? ~webcam~*
*Kakagising ko lang! haha!*
*Cam ~webcam~*

Habang nag-uusap ang dalawa ay bigla na lang naisip ni Beans ang isang bagay. Habang binabasa at tinitingnan niya ang bawat titik ng kanyang mga nabasa, bawat letra ng salitang nasa harapan niya.

Dahil sa pagkakasapul sa kanyang ego ay bigla siyang natahimik sabay ng dahan-dahang paglaho sa mga ngiti na nasa kanyang mga labi at ang unti-unting pagkawala ng kasiyahang naramdaman niya. Napalitan ito ng pagkabalisa at kalungkutan.

Agaran niyang pinatay ang kanyang laptop at nagbihis para magjogging kasabay ang kanyang shock-absorber. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan ngunit nakukuha pa rin niyang ngumiti. Naisip niya tuloy na ayaw na niya ng okra…

Tags:

Comments 2 Comments »

Dahil na rin sa isang request ng  maraming kaibigan ni Beans, isusulat ko ang mga kabanata ng kanyang buhay. Ang kanyang mga kasiyahan, kalungkutan, tagumpay, kabiguan at higit sa lahat, ang kanyang buhay pag-big.

Ang post na ito ang magsisilbing susi sa kanyan buhay. Ito ang magiging panimula sa aklat ng pakikipagsapalaran ni Beans. Tunghayan natin ang buhay ni Beans at baliktanawin ang kanyang nakaraan, subaybayan ang kanyang kasalukuyan at abangan ang kanyang hinaharap sa masalimuot ngunit masayang ikot ng gulong ng buhay.

Ang kabanatang ito ay isang pagtatala ng mga pangyayari mga tatlong linggo na ang nakalipas hanggang sa kasalukuyan. Tara, sindihan natin ang “LIGHTER”

*ang ibang bahagi ng kwentong ito ay maaring namodipika para maging katanggap tanggap sa lahat*

=======

“hi”

“hello”

“asl?”

“19″

“Bata”

“eh ano ngayon? ikaw ba?”

“24″

“Matanda! ahahahaa kamusta ka naman?”

“ok lang”

=======

Gabi na nung nagkita sila ni Beans sa isang kilalang pamilihan sa kanyang tinitirhan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang kaharap at ang alam niya lang ay naging magaan ang loob niya sa taong ito. Alas dies na nang napagpasyahan nilang magkita ulit sa susunod na mga araw. *Eto oh, sayo na*

Patuloy na nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan ng modernong paraan ng komunikasyon.  *yung black na lighter pa rin gagamitin natin sa susunod ha* *cge, hindi ko gagamitin pag hindi kita kasama* Para kay beans, ito ang naging simbolo nilang dalawa at tuwing nagpagpapaalam ang isa’t isa, ipinapasa ang simbolong ito para itago hanggang sa muli nilang pagkikita.

Naisip tuloy ni Beans: Kapag naubos na ba ang likidong nagbibigay apoy sa bagay na ito ay matatapos na rin ang kabanatang ito ng buhay niya? Na kasabay ba ng pagkawala ng silbi ng simbolong ito ay ang pagtatapos ng minsang nagpasaya kay Beans? ***

Tags: ,

Comments 3 Comments »