=Flashback=
“Magkita tayo sa Rob, may ihahatid kasi akong documents diyan sa Maahas”
“Sige. Itext mo ako ha pag malapit ka na”
At natulog si Beans. Pagkagising niya ay nabasa niya ang text sa cellphone na nagsasabing nasa Rob na daw -siya-”
*Wala na akong pera*
“Hala, housemate, may pera ka ba dyan? Pahiram naman ako kahit isang daan lang”
“Hala wala din eh, hindi pa kasi ako pinapadalhan”
“Hala sige, ok lang… Hmmm, TAMA! Yes! Pag may isinuksok, may madudukot!”
Dali-daling pumunta si Beans sa kanyang room na may dalang kutsilyo, ilang sandali lang ay may mga ingay nang naririnig sa kwarto niya. Lumabas si Beans ng kanyang silid na may hawak na kayawan at kutsilyo at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa sa sa lababo. Ang resulta:


*Isang P10 na lang at Php 1,000 na yan. Ayaw mo maniwala? Sige bilangin mo*
At dahil sa pagsuksuk ni Beans ay may nadukot din siya sa panahon ng kagipitan. *Smiley*
Tags:
Coins,
LIGHTER
4 Comments »
“Akala ko ba 4:30 ang calltime?”
“Akala ko din eh”
“Asan na sila?”
Nagmamadali noon si Beans kasi akala niya ay mahuhuli na siya sa Anniversary Ball. Kung alam lang sana ni Beans ang venue ay sana nagpahuli na siyang pumunta. Grabe ang katamaran ni Beans at hindi ko lubos maisip na naging ganito na siya.
Napansin ni Beans ang suot na ng brod niya. *But I got BEER*
“Neng tayo ka nga, bakit ganyan ang nakasulat sayo tapos I GOT BEER iyong nasa shirt nya?”
“Hindi ah!”
Marami pang pinuntahan si Beans
“San ba ang sa kanila? Feeling ko naman kaya na niyang dalhin un”
“Ano ka ba! Marami kaya siyang dala kaya tara tulungan natin”
“Sige saglit lang….”
“Tayo ka muna neng. Iboblog ko ang shirt mo…” *Picture* “Ikaw din dong, pipicturan ko din yang shirt mo. Hoy!”

*SWEET PALA ANG NASA SHIRT NILA! HAHA* (Huwag mo lang basahin ng right to left iyong RED)
“Oh tara na at tayong may susunduin pa sa may Raymundo”
“Sige, wait lang, bili lang ako yosi”
*Nang nagsindi na si Beans ay may naalala siya…*

Tags:
LIGHTER
No Comments »
Matapos magpunta ni Beans sa lawa ng Laguna at nagunwind kasama ang kanyang shock absorber ay tinatapos ko na niya ang lahat. Ang kabatang “Lighter” ng buhay ni Beans ay nagtatapos dito. Sa pagkakataong ito ay kailangan na talaga niyang mag-isip ng mabuti bago gumawa ng mga desisyon sa buhay niyang kumplikado na pilit niyang pinapadali. “Tapos na ang lahat. Tinatapos ko na” sa isip niya.
Magtatapos ang kabanatang ito dahil sa mga bagay na sadyang pilit niyang kinalimutan nang nagkakilala sila. Hindi kabit si Beans at kailanman ay hindi siya naging kabit. Hindi siya naninira ng relasyon ng may relasyon at wala siyang planong gawin ito kailanman. Nakatali na ang kapalitan ni Beans ng lighter. Ayoko rin naman niyang magkaroon ng kahati kaya siya na misimo lulugar sa pagkakataong ito. Kung si Beans rin naman ang nasa posisyon ng karelasyon ng kapalitan niya ng lighter ay siguradong magagalit din si Beans, sino ba naman ang hindi?
Mabait naman ang kapalitan ni Beans ng lighter. Maasikaso at maalaga. Masarap at masaya kausap kaya hindi natin masisisi si Beans kung bakit naging magaan ang loob ni Beans sa kanya. Ngunit sadyang ayaw na ni Beans ang masaktan kaya ngayon pa lamang ay tinatapos na niya ang kabanatang ito ng buhay niya. Siguro hindi nagkakatotoo para kay Beans ang kasabihang una niyang narinig sa text: “Ang manok, kapag nakatali, mas mabilis hulihin.
5 Comments »