Archive for the “BUHAY ni BEANS” Category

Ang Mahiwagang Bubong

Ang Mahiwagang Bubong

Kasulukuyang inaayos at pinapaganda ang bahay nila Beans ngayon kaya magulo, makalat at puno pa ng mga materyales sa paggawa ng bahay ang buong paligid nito. Tuwing umaga ay maririnig ang mga martilyong pumupukpok sa mga dingding at mga alikabok mula sa mga dingding na sinisira at inaayos. Pati ang kanilang bubong ay hindi pa ayos dahil sa planong gawing dalawang palapag ang kanilang bahay.

Gabi noon ng Lunes, Abril 13, 2009) matapos ang Easter Sunday, naliligo si Bean nang biglang umulan ng malakas. Nasa kalagitnaan siya ng pagsasabon ng katawan nang biglang sumigaw ang kanyang kuya: “Hoy Tingting nag-ulan! Pagdali dira! (Hoy, umuulan! Bilisan mo diyan!)” Nang matapos si Beans sa pagligo nang paglabas niya ay tunay nga na umuulan – hindi lamang sa labas ng bahay kundi pati na rin sa loob ng bahay nila.

Dito nkalagay ang TV

Dito nkalagay ang TV

Hala! Nag-ulan gyud diay! Wah, kadyot lang! Magbrief sa ko ha! (Hala! Umuulan nga! Wah! Sandali lang! Magbibrief muna ako!” At dali daling nagsuot si Beans ng salawal at pati na rin shorts. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Basa na ang kanilang tv, dvd player, ang sala at pati na rin ang keyboard ng pc nila. Siyempre, inuna niyang sinalba ang laptop niya at baka maTY ito. Pagkatapos ay inakyat ni Beans ang kanilang bubong para tingnan kung ano ang magagawa niya ngunit wala siyang magawa kasi madilim na noon kaya bumaba na lang siya at tinulungan ang kapatid na nuon ay nagsasalok ng tubig mula sa balding napupuno na ng tubig mula sa ulan.Ang kapatid naman niyang babae ay nagpupunas na ng sahig at inaagapan ang pagdami ng tubig sa sahig.

Sa Sala

Sa Sala

May tumawag sa telepono nila, tatay iyon ni Beans at nagtatanong kung anon a ang sitwasyon ng bahay. “Ulan! Nag-ulan diri sa sulod sa balay! Ang tv basa na, ulan gihapon diri sa sulod sa balay! Babay. (Ulan! Umuulan dito sa loob ng bahay! Ang tv basa na, umuulan pa rin dito sa loob ng bahay! Babay.” At patuloy pa rin sa paghahakot ng naipong tubig at pilit na panatilihing tuyo ang mga dapat tuyo. Ilang sandal lang ay dumating na ang tatay ni Beans para tumulong sa nagkakagulong magkakapatid.
Ilang sandali lang ay tumila na rin ang ulang at dahan dahan nang huminto ang tulo sa buong bahay nila Beans. “Sa wakas at makakaligo na rin ako ulit!“ wika pa ni Beans.

==========D=I=T=O===I=L=A=L=A=G=A=Y===A=N=G===H=A=G=D=A=N=A=N==========

Ang Mahiwagang Bubong

Ang Mahiwagang Bubong

Tags:

Comments 4 Comments »

Bins: Hoy! Sint, ano ginagawa mo? Bakit ka nagiimpake ng gamit mo?

Sint: Kasi, bakit nga ba? Kasi uuwi kasi ako sa amin! Ikaw ba? Hindi ka ba uuwi sa inyo?

Bins: Hindi eh, magsusummer class kasi ako para mabilis akong makatapos diba. Malay mo! Baka tatlong taon lang ako mag-aaral.

Sint: Tapos madidissmiss ka na?

Bins: Di no! Tapos graduate na ako! Haha!

Sint: Ambisyoso to! Ikaw? Matatapos ng tatlong taon ang course mo? Asa ka pa! Hehe. Ayoko na rin kasing magsummer. Tapos na ako sa ganyang stage ng buhay college ko. Kasi naman, di ko alam, parati ako nagsusummer at ito ang nangyari sa akin. Tinamaan ng katamaran, parang pagod na rin akong mag-aral. Kaya ang dami kong naidrop na sujects ko.

Bins: Sa tingin mo tama ang rason mo? Kasi tinatamad ka na, kasi sawa at pagod ka na sa pag-aaral kaya hahayaan mo nalang na ibagsak ang mga subjects mo o sadyang hindi na pumasok? Naisip mo ba minsan ang nanay mo? Kung sawa na rin ba sila? Kung pagod na rin ba sila sa kakapadala ng pera para sa iyo? Para sa pag-aaral mo? sana naisip mo iyon bago ka nagdesisyon na bitawan lahat ng responsibilidad mo.

Sint: Oo nga eh, iyon na nga eh. Inaamin ko naman na mali ako.

Bins: Tapos? Porket inaamin mo, porket aminado ka sa mga pagkakamali mo ay tapos na ang lahat? Sino ang mahihirapan? Sino ang kawawa? Ikaw pa rin Sint, kasi ikaw pa rin ang mag-aaral para sa kurso mong iyan. Sino ba pumili ng kurso mo? Sino ba ang nagdedesisyon na magsusummer ka o hindi? Diba ikaw rin? Diba ikaw ang may gusto niyan? Sana panindigan mo. Bakit ba kasi nangyari ito sa iyo? Ano ba kasi ang nakain mo?

Sint: Hindi ko alam…

Bins: Sa tingin mo tama ba ang sagot mong iyan? Maawa ka naman sa nanay mo. Sige, tanggapin natin, nangyari na ang lahat eh, pero sana, sa susunod, kung may susunod pa man o kung may pagkakataon pa, ayusin mo na ang buhay mo ha. Sana sa desisyon mong ito, mapagnilaynilayan mo ang mga bagay bagay. Alalahanin mong responsibilidad mo ang mag-aral sa ngayon kaya sana gawin mo ng maayos. Ito na nga lang ginagawa natin ipapalya pa natin. Umayos ka nga.

Sint: Oo nga eh. Hindi ko desisyon ito, sabi kasi ni nanay, magpahinga daw muna ako. Kaya hindi siya pumayag na magsummer ako. Sa katunayan nga ay siya pa ang excited na kumuha ng tiket ko pauwi. Okay naman siguro ako. Kailangan ko lang talaga ito. Sabi din naman nila diba, Mothers know what’s best. Sana ito ang best.

Bins: Kelan pala ang flight mo? Ang dami mo namang dadalhin!

Sint: Sikret, basta next week na ang alis ko. Ano, ano balak mo gawin? Bored kasi ako.

Bins: Tara! Gala tayo.

Sint: Sige, tapusin ko lang ito.

Tags:

Comments No Comments »

=Flashback=

“Magkita tayo sa Rob, may ihahatid kasi akong documents diyan sa Maahas”

“Sige. Itext mo ako ha pag malapit ka na”

At natulog si Beans. Pagkagising niya ay nabasa niya ang text sa cellphone na nagsasabing nasa Rob na daw -siya-”

*Wala na akong pera*

“Hala, housemate, may pera ka ba dyan? Pahiram naman ako kahit isang daan lang”

“Hala wala din eh, hindi pa kasi ako pinapadalhan”

“Hala sige, ok lang… Hmmm, TAMA! Yes! Pag may isinuksok, may madudukot!”

Dali-daling pumunta si Beans sa kanyang room na may dalang kutsilyo, ilang sandali lang ay may mga ingay nang naririnig sa kwarto niya. Lumabas si Beans ng kanyang silid na may hawak na kayawan at kutsilyo at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa sa sa lababo. Ang resulta:

Money Coins

Cash Php"

*Isang P10 na lang at Php 1,000 na yan. Ayaw mo maniwala? Sige bilangin mo*

At dahil sa pagsuksuk ni Beans ay may nadukot din siya sa panahon ng kagipitan. *Smiley*

Tags: ,

Comments 4 Comments »