Archive for the “BEANS” Category

Hanggang ngayon, hindi lubos maintindihan ni BEANS kung bakit marami ang umiiyak dahil sa pag-ibig. Marami na rin ang nasaktan, nabaliw at minsan ay nagpakamatay dahil sa pag-ibig. Kung pagninilaynilayan ang bagay na ito, lahat ng tao gustong magmahal at maramadaman ang pagmamahal ng ibang tao. Masarap, masaya at may kung anong nararamdaman ka na hindi kayang isawika. Puso lang ang may kakayahang maisigaw ang nararamdamang ito. Ang hindi maintindihan ni BEANS ay kung bakit kung ganito ang pakiramdam ng nagmamahal, bakit marami pa rin ang umiiyak?

Siguro isa sa mga bagay na dapat pakatandaan ng isang nagmamahal ay ang katotohanang hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging masaya ang isang pag-iibigan. Kaakibat ng kaligayahan ang kasawian sa mundo ng pag-ibig. Hangga’t maari gusto nating manatiling masaya ngunit sadyang may mga pagkakataong salungkat sa nais nating mangyari.

Normal ang magmahal, normal din ang masaktan. Ang lahat ng nararanasan ng isang tao sa pag-ibig ay base na rin sa kung ano ang pananaw nila sa katagang ito. Kung paano nila ito naiintindihan at kung paano nila ito isasagawa. Kung tatanungin niyo si BEANS kung nagmahal na ba siya, eto lang ang isasagot niya:

~Ang saya diba?!~

Tags:

Comments 1 Comment »

Isang napakagandang kanta para sa mga taong nagfifiling na ginamit sila matapos ang isang bigong relasyon. Siyempre naramdaman din ito ni BEANS noong…

~He tastes like you only sweeter~

Tags: ,

Comments No Comments »

“You can just imagine how hopeless my case was. I believed that everything in this world has its corresponding price, money that is, just like the shoes that are being displayed in supermarket stalls. And every single one of us has our own asking price too, just waiting to be named. So whatever Carl wants, Carl gets. At least, that’s how I looked at life. But… all that changed when –” Napahinto ako sa pag aanticipate ko sa maaring reaction ng audience sa susunod kong sasabihin. “I met Mr. James Cruz, my professor in Sociology.” Ang dugtong kong nag-crack na ang boses at pilit nilabanan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng emosyon.

“When I first met Professor James Cruz, I thought he was no different. I was wrong. He is one teacher whose dedication to duty goes beyond addressing the so-called intellectual sine qua non of his students. He understood my world and led me to see life from different viewpoints. With him, I learned the value of discipline, sacrifice, and fair play. With him I learned the true meaning of happiness, peace of mind, and inner satisfaction. With him, I regained my dignity and self-respect. And here I am a changed man, a living testament to his commitment. For the first time in my life, I have become truly proud of myself. For the first time in my life, I have made my mom the happiest person on earth. And there’s no doubt in my mind that many other graduates and students of this school feel the same way too; graduates and students like me with whose lives Professor Cruz had touched…” Tuluyan nang tumulo ang luha ko at nakita ko ang iba pang mga estudyanteng nagpapahid din ng luha.

“But recently things have turned out terribly bad for Professor Cruz. He had been hounded by a very serious controversy which has resulted to his expulsion from school. Many of us are aware of this, and many have been affected by what had happened. And although no one could tell for certain what story that video clip holds behind it, Professor Cruz took full responsibility and accepted the punishment. This is the very reason why I decided to bring this matter up here – because there is a truth that I know which deserves to be unraveled.

I remember the words Professor Cruz had said to me, ‘If you can’t stand by what you believe in or if you turn away from the consequence of your misdeeds, you are worth nothing. And, I believe too that this is the right opportunity for me to face the consequence of my misdeed. It breaks my heart to be here savoring the sweetness of success while the very person instrumental in all of these grieves in silence.” Natahimik ako ng sandali, ang isip ay nag aatubili sa susunod na mga katagang bibitawan habang pinapahid ng mga kamay ang luhang patuloy na dumadaloy.

“I am the other guy in the video.” Ang tuluyan ko nang pagbulalas sa tinatago-tagong sikreto, ang boses ay halos di maintindihan dahil sa pigil na pag-iyak. May narinig kaagad akong nag-boo at pansin sa mga mukha ng iba ang pagka-mangha, ang iba ay nagbubulungan.

“Yes, I am. I tricked Professor Cruz into drinking and when drunk, I forced him to do it on me. I recorded it without his knowledge so I could use the clip to blackmail him in case he didn’t give me a passing grade. But all my plans backfired. Instead, I realized how wicked I was. I had a sudden turnaround, and a change of heart. But then, the video clip made its way to some unscrupulous hands wrecking havoc on the dignity of the very person whom I later learned to admire and idolize.”

Patuloy pa ring nag-boo ang ibang mga estudyante habang ang iba naman ay patuloy ding nagpapahid ng luha. “I know that no amount of remorse could repair the damage I’ve made. And I take full responsibility for everything. I am deeply sorry to have caused pain and suffering to all those affected by my wrongdoing and lack of heart, especially our beloved Professor Cruz. I am the one who should be punished; I am the one who should be there suffering in his stead. I know that I have breached propriety by dragging Professor Cruz’ name into this solemn occasion. But this very school has also imbibed in me the value of truth and justice. And my heart aggrievedly screams justice for Professor Cruz. He is NOT the villain; I am. He is the victim and the aggrieved, and I am the aggressor and the scoundrel… And all that I fervently hope is that the administrators of this school find compassion and understanding in their hearts to forgive Professor Cruz and reinstate him back to his job.”

Nilingon ko ang upuan ng mga administrators at nakita sa mga mukha nila ang pigil na pagka-inis sa mga binitiwan kong salita. “There is only one thing that I would humbly ask from you: punish me, or give back the dignity of Professor Cruz. Thank you, and good morning!”

Para akong natulala, hindi makapaniwala sa mga nasabi at halos mapako na sa pagkakatayo sa harap ng podium. Maya-maya, may narinig akong isang mahinang palakpak, at may sumunod pa, at lumakas ito, at may mga sumunod pa ulit, hanggang sa nakakabingi na ang mga palakpakan. Nagsitayuan ang mga estudyante, nagsigawan, “We want Sir James! We want Sir James! We want Sir James!” Tiningnan ko ang mom ko, tumayo na rin sya at nagsunuran ang iba pang mga magulang. Nakita kong nagpapahid sya ng luha ngunit dama ko ang matatag nyang suporta at pagmamalaki sa panindigang binitiwan.

Natapos ang graduation na di maipaliwanag ang tunay na nararamdaman sa nangyari. Habang kitang-kita ko sa mukha ng mga graduates ang saya na nararamdaman nila, kabaligtaran naman ang nararamdaman ko. Pakiwari koy biglang naglaho lahat ang excitement at ang bumabalot ay ang pangamba, lungkot, pag-aalinlangan at pagkalito sa kung ano ang maaaring takbo ng buhay kinabukasan o sa susunod pang mga araw; kung saan patungo o paano magsimula. Nung umaandar na ang sasakyang dala ng mom patungong apartment, walang tigil pa rin sa katatanong ang isipan. “Anong sunod kong gagawin? Magkikita pa kaya kami ng mga kaklase at kaibigan ko? At si Sir James kaya, saan na sya? Magkikita pa kaya kami ulit?”

Walang imik ang mom sa pagpapatakbo ng sasakyan. Siguro batid nya ang saloobin ko lalo na sa nangyaring pagbunyang ko ng sekreto sa mismong graduation.

Ilang sandali lang nag-stay ang mom sa apartment ko. Tiningnan lang nya ito at dumeretso na kaming dalawa sa pinaka-sikat at mamahaling restaurant sa kalapit-syudad at doo’y nagsalo-salo. Dama ko ang sobrang tuwa na naramdaman nya para sa akin, sa mga nakita nyang pagbabago at sa nakamit na karangalan. Pinag-usapan namin ang mga plano ko sa buhay. Nag-suggest sya na mag proceed ako ng master’s degree o tumulong na lang sa pagma-manage ng negosyo namin. Ngunit naging blangko ang isip ko at walang maisagot sa kanya sa suggestion nyang yun. “Mom, can I think it over? I need sometime to figure out. Naguguluhan pa ako e…” Pinagbigyan naman nya ako at pinaubaya na ang pagdedesisyon para sa sarili.

Hindi rin nakalampas sa kanya ang mga narinig na intriga tungkol sa amin ni Sir James at sa maaaring parusang ibigay ng eskwelahan sa ginawa kong pag-amin. Nagulat nalang ako nung tinitigan nya ako at tinanong. “Son, ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Professor James Cruz? It’s like something strange is going on. I mean, I’m sorry to open this issue but I am a little worried…”

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, maaaring dala ng hiya dahil sa di maipaliwanag na saloobin. Ang sagot ko nalang na di makatingin-tingin sa kanya, kunyari naka-concentrate sa pagsubo ng pagkain “Mom, there’s nothing strange, believe me. I know what you mean… I’m not gay, ok?”

“Well, then I’m glad you say it. Remember, gusto kong magkaroon ng apo” sabay ngiti at haplos sa pisngi ko.

“Of course Mom, yeah…” Parang may tumama din sa puso ko sa sinasabi ng mom na gusto nyang magkaapo, at syempre isang normal na pamilya ang ibig nyang sabihin. Ngunit pinalagpas ko na lang yun sa kabilang tainga. “Doon naman talaga ako patungo e” bulong ko sa sarili. Ngunit nung pumasok sa isipan ko si Sir James. “Ah… ewan ko ba talaga. Bahala na!” sagot naman ng isang parte ng utak kong nag-aalinlangan.

“OK then, when you have finally made up your mind, tell me, son. Sana ikaw na ang mag manage sa negosyo natin para naman makapag-retire na ako.” sabi nyang pabiro sabay tawa. “Ngunit kung ano man ang gusto mong gawin pa sa buhay, I’ll be right behind you. Bata ka pa rin naman, you can take your time and enjoy.”

Nauna nang bumalik ng syudad ang mom at nagpaiwan muna ako sa apartment dala ng paghahanap pa rin siguro sa dating mga nakagawian. Nung sumapit ang gabi, nababagot akong di mapakali. Sumudot-sundot sa isipan ang di mamatay-matay na naramdaman para kay Sir James. Nasumpungan ko ko nalang na pumunta sa flat niya. “Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga tao kung makita man nila ako dun. Tutal, tinanggal na nila si Sir James sa school, ano pa bang pwedi nilang gawin?” Ngunit wala na pala dun si Sir James, nakaalis isang araw na ang nakalipas at walang makapagsabi kung saan sya nagpunta. Pinigilan ko ang sariling lumuha, hindi malaman kung saan dideretso at kung anong gagawing pag-aliw sa sarili sa gabing iyon. Tinawagan ko si Ricky para sana may makausap at karamay. Ngunit umuwi na rin pala siya sa lugar nila pagkatapos na pagkatapos kaagad ng graduation. Feeling ko nag-iisa na lang talaga ako sa mundo. Naisipan ko na lang na pumunta ng bar at doon sinarili ang matinding kalungkutang dinadala, hanggang sa malasing ako.

Kinaumagahan, nag-pack-up ako ng konting gamit, hindi sigurado sa gagawin. “Siguro naman, ngayong tapos na ako ng pag-aaral, problema na ng puso ang hahanapan ng lunas upang makalaya na akong tuluyan…” at binitiwan ang malalim na buntung-hininga. Pumasok bigla sa isipan na puntahan sina Tatay Nando sa bukid. “Baka nandun si Sir James o kaya’y alam nila kung saan sya nagpunta.” sabi ko sa sarili.

Nakarating nga ako kina Tatay Nando. Lahat sila ay sumalubong sa akin: Nanay Narsing, Maritess, Anton, Dodong, Clara at si Letecia. Kumpleto silang lahat. “Carl, napadayo ka!” sigaw ni Tatay Nando.

“Opo, tapos na kasi ang pasukan at graduate na po ako… at malamang babalik na rin sa malaking syudad pagkagaling dito. Nagpunta lang po ako dito para magpaalam.” ang sabi kong mejo malungkot ang tono ng pagsalita. “Heto pala Tay, may biniling mga pasalubong ang mommy para sa inyo” Inilabas ko ang isang malaking bag ng mga damit, shirts, sapatos, at pantalon. “At alam nyo po, nag-offer ang mommy na sya na ang magpapaaral kay Maritess at Anton sa darating na pasukan, at pati na rin kina Dodong, Clara at Letecia pag nagka-college na sila. Bibisita daw po sya dito isang araw para po makilala kayo at pati na rin ang lahat ng mga kinakapatid ko dito.”

“Talaga, Carl? A, e… hindi ba nakakahiya? Narsing! Narsing! Papag-aralin daw ng mommy ni Carl sina Maritess at Anton!” ang buong kagalakang hindi magkamayaw na pagbalita nya habang narinig ko namang nagsisigaw sa tuwa sina Maritess at Anton pagkarinig sa sinabi ng ama. “Salamat naman Carl at hindi na namin po-problemahin ang panggastos sa pag-aaral sa kanila. Si Anton talaga ay hindi na muna nag-aral ng College yan para lang matustusan namin si Maritess. Tinutulungan pa nga kami ni James sa mga gastusin, e. Hiyang-hiya na ako sa batang yan. Kaya, maraming-maraming salamat!” ang halos maiyak na sagot ni Tatay Nando. “Halika, dito tayo sa loob ng bahay. Kumain ka muna. Tapos na kaming lahat kumain ngunit sasabayan na kita. A… Anton!” sabay lingon kay Anton “Maglagay ka ng tuba sa pitsel! Mag-inuman kami ni Carl! At sumali ka na rin sa amin dito. Narsing!” tawag naman nya kay Nanay, “maghain ka at kakain kami ni Carl!”

“Sige po, Tay at ako po’y gutom na gutom na at na-miss ko na rin po talaga ang mga luto ni Nanay Narsing.” ang sabi ko habang iniikot ang mga mata sa paligid nagbakasakaling makita si Sir James.

“Tamang-tama, maya-maya lang siguro darating na rin si James at makakasalo natin sa pagkain.”

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa narinig. “Nandito po si Sir James Tay? Saan po ba sya nagpunta?”

[ITUTULOY...]

Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR

Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha

Tags:

Comments No Comments »