“Carl, I love you. I do… Pero…
Posted by tagaBLOGniBEANS in IDOL KO SI SIR, KWENTONG KAGIGILIWANTahimik. Maya-maya, sumagot sya ng pabulong din, seryoso ang tono. Nanatiling hindi sya gumalaw at painabayaan pa rin ang kamay at hita kong nakapatong sa kanya. “Bakit ka nandito?”
“Hindi ako mapakali kung hindi kita nakikita at nakakasama…”
“Bakit?”
“Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay hinahanap-hanap kita. Gusto kong nanjan ka palagi sa piling ko.”
“Bakit?”
“Yan ang sinasabi ng puso ko, James… at ikaw ang tinitibok.”
“Bakit?”
“Ewan…”
“Paanu kung nagsisinungaling ang puso mo?”
“Hindi ako magsasayang ng oras at panahon sa pagpunta dito kung alam kung hindi totoo ang sinasabi ng puso ko…”
“Bakit mo ako minahal?”
“Dahil iyon ang nararamdaman ko. Ikaw lang ang taong nagpapatino sa akin. Ikaw lang ang alam kong taong iniidolo ko. Ikaw lang ang taong alam na alam ang buong pagkatao ko, ang buhay ko, ang taong nakakaintindi sa akin, ang nagbalik ng tiwala ko sa sarili, at ang nagturo sa akin kung paano tahakin ang buhay sa mabuting paraan. Pangalan mo lang ang isinisigaw ng puso ko. Ikaw lang ang nakapagtitibok at nakapaghihinto nito ng sabay. Pag hindi kita nakita, napakalungkot ng mundo ko, walang kahulugan ang buhay, walang kulay…”
Mejo napangiti ako nung tinanong nya. “Di ba corny?”
“Corny, yeah. And love should be, and OA, and –”
“Stupid.”
“Yeah” ang maagap kong sagot, at sabay naming binitiwan ang kontroladong tawa habang nakapatong pa rin ang kamay at hita ko sa kanya.
“Salamat sa pagdepensa mo sa akin sa graduation. I hated you doing it…”
“Bakit”
“Dahil you’ve blown up the issue”
“Yeah, but it straightened up the record, case closed.”
“And you’re punished.”
“Yeah. And I don’t care a bit. I didn’t need those medals anyway. I need you…”
Tahimik ulit. “Bakit ako ang napili mong mahalin?”
“Hindi ako ang pumili sa iyo, James, puso ko, at di ko alam kung bakit. Yan din ang tinatanong ko.”
“Paano kung mali ang iniudyok ng puso mo?”
“Kung ganun, ayoko nang maging tama pa ito.”
“Nasa alaala ko pa, Carl ang nangyari sa atin… at ang kapahamakang nagawa nito. Gusto mo bang maulit uli yun?
Tahimik. Niyapos ko sya. Idiniin ko ang mukha sa ulo nya, ang mga labi ko ay idinampi sa tenga nya. Hindi pa rin sya kumibo. Hinayaan lang nyang magdikit ang mga katawan namin. “I’m sorry James sa mga nagawa ko. Ngunit mahal kita at handa kong paninindigan ang nararamdaman ko para sa iyo. Iba iyong nangyari sa atin noon James, sinugatan mo ang puso ko at matindi ang galit ko sa iyo sa panahong iyon. At alam mo ding iba pa ang pagkatao ko noon. Nagbago na ako, James… dahil sa iyo.”
“Paanu kung susugatan ko uli ang puso mo?”
“Kung liligaya ka sa gagawin mo, wala akong magawa. Malaki ang kasalanan ko sa iyo. Nagsisisi na ako. Ngunit kung kailangan ko pang i-pakita sa iyo kung gaano kalalim ang pagsisisi ko, gagawin ko. Tatanggapin ko kung anu man ang parusang ipapataw mo.”
“Hanggang kailan mo ako pweding mahalin?”
“Walang hangganan.”
“Habang may buhay?”
“Oo”
“Ayaw mo ba magkaroon ng normal na pamumuhay, na may pamilya, asawa, at anak? Ayaw mo bang bigyan ng lubusang kaligayahan ang mommy mo na mabigyan sya ng apo. Ayaw mo bang magkaroon ng anak at ipadama sa kanya ang pagmamahal ng isang ama, na syang hindi mo naransan simula nung bata ka pa?”
Hindi ako nakakibo. Sumiksik ulit sa isipan ang huling binitiwang salita ng mommy na gusto nyang magkaroon ng apo. Bumalik din sa isipan ang mga sandaling naaawa ako sa sarili dahil sa hindi ko pagkaranas na magkaroon ng ama simula nung mamatay ang dad bata pa lang ako.
Nagpatuloy sya. “Kaya mo bang habang namamasyal tayo, titingnan tayo ng mga tao at pagkatapos ay magtitinginan silang may bahid-malisya? Kaya mo bang habang nagsasama tayo sa isang bahay, may mga dadaang tao at titingnan tayong ang turing ay parang taga-ibang planeta?”
“Kakayanin ko, James.”
Natahimik ng sandali. “Anong gusto mong mangyari ngayon?”
“Sana, magsama tayo palagi, gaya ngayon…”
“Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto kong magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak… ng isang normal na buhay?”
“Bakit… wala ka bang nararamdaman para sa akin?”
“Magkaiba ang dalawang bagay na yan, Carl; ang magmahal at ang mangarap”
“Bakit, ano ba ang pangarap mo?”
“Ang magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak… ng isang normal na buhay, ng mga supling na nagtatakbuhan at nagkukulitan, na inaalagaan, na binibigyang pansin at mag-aalaga sa aking sa pagtanda ko; ang magkaroon ng isang babaeng maging ina nila, na dadamay at katuwang sa buhay. Ikaw ba hindi sumiksik sa isipan ang ganun?”
Parang tinusok ang puso ko sa narinig. Dama ang namumuong luha sa mga mata ko. “Gusto ko rin, syempre. Pero, bata pa tayo, James. Twenty lang ako at ikaw, 25. Kailangan na ba nating magdesisyon sa mga bagay na yan ngayon?” ang sabi kong halatang nasaktan sa sinabi nya.
Hindi pa rin sya kumilos. “Oo, dahil kung gusto mong magtagumpay sa buhay, kailangang may direksyon ka.”
“Hindi mo ba ako mahal?”
“Bakit mo sisirain ang buhay ko at ko at ang buhay mo? Bakit mo sisirain ang pangarap ko?”
Tuluyan na akong naapektuhan sa diretsahang sinabi. Tinanggal ko ang kamay at hitang nakapatong sa kanya bilang pagpapahalta sa di nagustuhang tono ng pananalita. Tumihaya ako, inilagay ang isang braso sa ibabaw ng aking ulo. “Bakit? Bawal ba ang magmahal ng ganitong klase? Lahat ba ng taong nagmahal ng ganito ay nasisira ang mga buhay nila?” ang sabi kong halata sa tono na nasaktan.
“Hindi.”
“Yun naman pala eh. Bakit ganyan ka kung makapagtanong?”
“Dahil naniniwala ako na ang lahat ng klaseng pagmamahal ay dapat may focus, may target, may direksyon. Hindi lang basta nagmahal ka ngayon at bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Naniniwala ako sa pagmamahal na hindi lang puso ang umiiral kung hindi, pati na ang isipan… Ganyan ba ang pagmamahal mo?”
“Hindi ko maintindihan.”
“Give yourself sometime away from me… say a year.”
“Bakit?”
“Kung mahal mo pa rin ako after a year kahit malayo ka sa akin, jan ko malalaman na ang pagmamahal mo ay di lang umiiral sa puso…”
“Ba’t di mo nalang sagutin ang tanong ko ngayon? Kung mahal mo rin ba ako.”
“Love is patient… love knows no bounds. Love goes to where it’s meant to be.”
“Mahal mo ba ako?” ang pangungulit ko.
Hindi na sya sumagot. At sumiksik sa isip na talagang hindi nya ako mahal at imposibleng mahalin pa. Iniisip ko na naghanap lang sya ng excuse upang lumayo ako, malimutan sya, at hindi na guguluhin o kukulitin pa. Tuluyan nang dumaloy ng dumaloy ang luhang kanina lang ay namumuo sa mga mata. Hinayaan kong bumagsak ang mga ito sa unan, sa papag na hinihigaan. Hindi na ako kumibo, hindi na kumilos upang hindi mapansin ang paghikbi at hinanakit sa mga sinasabi nya. Pilit kong isiniksik sa isipan na kaya kong labanan ang sakit na nararamdaman, at ang pag-reject nya sa nararamdaman ko. Pilit kong inamo ang sarili na ang lahat ng tagpo namin at mga alala sa kanya ay pawang panaginip at kathang-isip lang.
Tahimik.
Maya-maya, tumagilid sya paharap sa akin. Siguro nararamdaman nyang umiyak ako. Nagulat na lang ako nung dahan dahan nyang ipinatong ang isang hita nya sa harapan ko at ang isang kamay nya sa dibdib ko. Hindi na ako kumibo. Ini-usog nya ang katawan palapit sa akin, ang bibig ay nakadikit sa tenga ko. Binulungan nya ako, “Carl, I love you. I do… Pero
[ITUTULOY...]
Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR
Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha
Tags: IDOL KO SI SIR


































Entries (RSS)
ahahahaha! basaha lage ang story. sa story man tawon ni dong LOL
Naunsa you?