Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa narinig. “Nandito po si Sir James Tay? Saan po ba sya nagpunta?”
“Kay Kapitan. May plano yata syang gumawa ng project dito at nag-usap sila. Maganda ang naisip nyang proyekto, siguradong makakatulong sa buong barrio. Bilib talaga ako sa batang yan, magaling sa ano mang bagay. Napakabait pa. Nagtaka nga lang kami kung bakit napaaga ang uwi. Ang alam namin may graduation pa sa school. Pero sinabi na rin nya ang dahilan…”
“Talaga po? Alam nyo na po ang nangyari? Hindi po ba sya galit sa akin?”
“Hindi naman?” ang maiksing tugon nya.
Tamang-tama ngang dumating si Sir James nung maihain na ni Nanay Narsing sa hapag kainan ang mga pagkain. Abot-tenga ang ngiti at hindi man lang na-sorpresa nung makita ako. “Ey Carl! Naligaw ka yata ng pupuntahan. Sigurado ka ba talaga na dito ang pakay mo? Hehehe. Musta na ang Summa Cum Laude?” Ang pabiro nyang sabi sabay handshake sa akin.
Tinanggap ko ang handshake nya, nagpapawis kaagad ang kamay ko at nakakabingi ang kalampag ng dibdib sa sobrang excitement sa pagkikita naming muli at sa mainit na pagtanggap nya sa akin. Sumisigaw ang puso kong yakapin sya ngunit naunahan na ako ng hiya. “Syempre naman, kaw talaga. Napaka importante sa akin ang lugar at ang mga tao dito. Dito ko natutunan ang tunay na anyo ng buhay… At, ok naman ako. Ikaw? Balita ko may project ka raw na gagawin dito?”
“Hahaha. Lalim nun ha! A, Oo nga, magpapagawa ako ng isang classroom, non-formal education para maturuang magsulat at magbasa ang mga Nanay at Tatay, pati na rin ang mga binata’t dalaga dito na hindi nakapag-aral. Ang layo-layo kasi ng lugar na ito, sa paaralan at maraming hindi na nakakapag-aral dahil sa layo. Kahit papano sa project na to, matutulongan ko din sila…”
“Walang sweldo?” ang bilis kong tanong.
“Wala… tulong nga e.”
“E, panu ka kikita? Ang mga pangangailangan mo?”
“Yan ang challenge, Carl. Jan dapat paganahin ko ang utak ko.” Tumawa sya. “Di ba sabi ko sa iyo, mabubuhay ako kahit saan. I am not afraid to take challenges. The bigger the challenge, the better. Kailangan lang ay sipag, tyaga, determinasyon, at paniniwalang makamit mo ang goal mo. Pag pumalpak, e di simula nalang ulit…”
“Grabe ka talaga, James. Hindi ka nauubusan ng magagandang ideas! E… Kung tutulungan kaya kita?”
“Wag na baka mamalasin na naman ako.” sabay bitiw ng napakalutong na halakhak.
Tumawa na rin ang lahat. “No, seriously, I can help you. My mom is thinking of a charity project for this barrio and she’s having some problems trying to figure out what it is and how to get it started. Alam mo kasi, malaki ang pasasalamat nya kina Tatay Nando, ng pamilya nya at sa mga tao dito sa pagtulong sa akin. She wants to return the help to everyone. In fact, she wants to meet you too, and thank you personally.”
“Wow! At may instant sponsor na kaagad ako!” ang masayang sambit ni Sir. “Ang swerte ko rin naman pala, kahit papano dito kay Carl…”
Parang may sumundot sa puso ko sa narinig na iyon. “Nahihiya nga ako sa iyo, eh… sa malaking kasalanan ko” ang malungkot kong sabi. “Pero babawi din ako sa iyo, James, promise.”
Hindi na sya sumagot. Binitiwan lang ang isang nakakabighaning titig. Ewan ko ba ngunit pakiramdam ko, kahit mga apat na segundo lang syang tumitig sa akin, parang isang buong oras na nya akong tinitigan, at animoy yelo akong unti-unting natutunaw. Parang may halong kasabikan din ang mga titig nya, nakikipag-usap at nagtatanong. At namalayan ko na lang ang pagtapik nya sa balikat ko. “Ey! Nandito ka pa ba? Lumilipad yata ang isip mo ah! Tingnan mo, namumula na naman ang mukha mo. Lalo ka tuloy pumupogi, naiinsecure na ako sa iyo e!” Sinasampal-sampal nya ang mukha ko na parang gigil na gigil at sabik na sabik sa akin. “Biro lang… ito naman, di na mabiro e.” at nagtatawanan na kaming lahat.
Nag-inuman nga kami, ako, si Tatay Nando, si James at si Anton. Mild lang, yung palipas-oras, pangrerelax at ini-experience ang pagtakbo ng oras na walang pressure, walang iniisip na deadline, ini-enjoy ang preskong hangin, ang mga berdeng tanawin, ang ingay ng mga ibon at nagkikiskisang dahon ng mga kahoy at halaman habang nalalanghap naman namin ang bango ng binabarbecueng manok at inihaw na mais nina Anton at Maritess. Nakikisali na rin sa umpukan sina Nanay Narsing at iba pang mga anak nila. Mas marami ang kwentuhan, biruan. Napakasaya ko sa mga oras na iyon.
Gabi na nung matapos kami, mejo lasing na kaming lahat. At dahil pinigilan ako ni Tatay Nando’ng bumalik sa apartment ko doon na rin ako natulog.
“O, James, bahala ka na kay Carl ha? Wala tayong ibang kwarto, e. Malilit ang kwarto ni Anton at kasama pa nya doon si Dodong. Kaya sama nalang kayo ni Carl?” tanong ni Tatay Nando kay Sir James.
“Opo, Tay, walang problema. Ako nang bahala dito” ang may pag-aalangang sagot ni Sir sabay tingin sa akin.
Walang magawa si Sir James kundi ang maglatag ng banig sa kwarto nya para sa aming dalawa. Naglagay din sya ng mosquito net dahil marami daw lamok sa gabi at shorts lang ang suot nya sa pag tulog. Single lang ang mosquito net nya, wala na daw mahanap na iba pa. Bago kami nahiga, naligo muna sya at pagkatapos ay ako naman. Dahil wala akong dalang shorts, pinahiram na rin nya ako. Naalala ko na naman ang huling natulog ako na magkatabi kami sa flat nya. Lasing na lasing ako nuon, pinunasan nya buong katawan ko at pinasuot ng shorts nya. May kaunting kilig at kiliti ang sumundot sa akin. “Hmmm, sana nagpakalasing na lang ulit ako para punasan nya na naman ang buong katawan ko…” sambit ng utak kong malisyoso.
Pareho kaming naka-shorts lang. Nung mahiga, walang imikan. Nakaka-bagot ang katahimikan, pakiramdaman. Nanjan yung tatagilid ako, titihaya, dadapa… Ngunit wala pa ring kibo si Sir kahit na paminsan minsan, ang balat namin ay nagdidikit at ang paa ko ay nasasagi sa paa nya sa kakapiglas ko. Sa lapit namin sa isa’t-isa, nalalanghap ko ang amoy ng katawan nya at ang presko nyang hininga. At dahil sa patay ang ilaw, pilit kong inaaninag ang posisyon nya sa pagtulog. Nakatihaya lang, ang isang braso ay nakapatong sa ulo. Alam ko, gising na gising pa sya at nagmamanman lang sa mga kilos ko, naghihintay kung ano ang susunod na mangyari. Sumisigaw ang isip na ipatong ang kamay ko sa dibdib nya o kaya’y hablutin ang katawan nya at yakapin ng mahigpit. Ngunit natatakot din akong baka magalit sya o kaya’y mapahiya ako’t iwaksi ang kamay.
Maya-maya tumagilid na lang ako paharap sa kanya, nag-isip kung ano ang gagawin para mabiyak ang pakikiramdaman namin sa isa’t-isa. ”I-patong ko kaya ang hita ko sa hita nya? O… yung binti ko nalang sa binti nya, kunyari di ko sinasadya? Ah… bahala na dito sa gagawin ko. Bubugbugin man nya ako, ok lang.” Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang nagbibilang ang isip. “Isa, dalawa, tatlo… Ummpptt!” Ang pagpigil ko sa sariling wag gagawa ng ingay. Unti-unti kong inangat ang paa ko at dahan-dahang ipinatong iyon sa harapan nya.
Madilim ang kwarto, malakas ang kabog ng dibdib sa naghalong kaba at excitement. Dahan-dahang dumapi ang hita ko sa harapan nya. Nakiramdam ako. Hindi sya kumibo, hindi kumilos, hindi man lang tinapik iyon. Pinabayaan lang nya ito. Dama ko ang umbok ng pagkalalaki niya at lalong bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Ilang sandali din ang lumipas at hindi pa rin sya kumilos. Natuyu ang lalamunan ko sa di maipapaliwanag na naramdaman sa pag-antabay sa maaring sunod na mangyari. Napalunok ako ng sariling laway, tuliro ang utak, nag-isip kung galawin ang hitang nakapatong o idiin yun. Kinikilig, nakikiliti at nag-iinit ang aking katawan.
Lumakas ang loob ko sa pagbale-wala nya sa ginawa ko. Ipinatong ko na rin ang isang kamay sa dibdib nya at iniusog ang katawan, ang bibig ko ay halos madikit na sa tenga nya. Naaamoy ko ang shampoong ginamit nya sa pagligo nung gabing iyon. Nanatili syang walang kibo, hindi gumalaw. Binulungan ko sya. “James… I love you.”
Tahimik. Maya-maya, sumagot sya ng pabulong din, seryoso ang tono. Nanatiling hindi sya gumalaw at painabayaan pa rin ang kamay at hita kong nakapatong sa kanya. “Bakit ka nandito?”
[ITUTULOY...]
Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR
Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha
Tags: IDOL KO SI SIR


































Entries (RSS)