At nakamit ko nga ang gradong “1.0” sa subject ni Sir James.
Kagaya ng ipinangako ko sa sarili, ibinuhos ko lahat ng effort at talento sa pag-aaral. Syempre, inspired. At upang mapalapit pa rin kay Sir James na Dean na ng Student Affairs, sumali at naging active ako sa iba’t-ibang college clubs. At ang pinakamalaking karangalan na nakamit ko sa taon na yun ay nang ibinoto ako ng mga estudyante bilang presidente ng student council. Sa buong taon, naging consistent number one din ang pangalan ko sa honor’s list. Kung dati ang bakanteng oras ko ay iginugugol sa barkada at lumalabas halos gabi-gabi at nag-iinum o nakikipag pot session, sa panahon na iyon, mga gawain sa school at pag-papalano ng mga projects ang pinagkakaabalahan ko. Pati ang paninigarilyo ay tuluyang tinalikuran ko na rin. Namangha ang lahat sa ipinamalas kong pagbabago. Naging matindi din ang team-up namin ni Sir James, sya bilang head ng student affairs at ako bilang student leader. Naging mas involved at participative ang mga estudyante sa mga activities at issues, at impressed ang administration sa daming projects na nagawa namin sa school. At lalo pa akong ginanahan sa mga ginagawa dahil sa magagandang feedback at commendations na natanggap. At sa mga kapwa ko estudyante, ako ay kanilang hinahanggan at iniidolo.
Ok na sana ang lahat. Pero, may iba akong issue na hindi ko masettle-settle at mabigyan ng paraan kung paano ma-resolve: ang nararamdaman ko para kay Sir. Di ko alam kung kaawaan o sisihin ang sarili.
Simula nung mabago nya ang paningin ko sa buhay, humanga na ako ng sobra sa kanya to the point na hindi ko na sya maiwaglit sa isipan. Gabi-gabi o sa panahong ako’y nag-iisa, sya plagi ang laman ng utak ko. At ang nagpapatuliro sa akin ay kung bakit ko nararamdaman sa kanya ang isang bagay na dapat ay nararamdaman ko lang sa isang babae. Maraming katanungan ang sumiksik sa isipan ko. “Bakit si Sir James pa? Kontento na lang ba ako sa ganito kinakalimutan ang sarili? Paano naman ang kaligayahan ko? Kailangan ko bang magsakripisyo at kalimutan ang sarili upang maiwasan ang maaring mangyaring hazzles, madamay si Sir, at masira lahat ang mga magagandang gawain at simulain naming dalawa sa school? Paano kung may nararamdaman din si Sir para sa akin at hindi na lang ako gagawa ng hakbang? At kung halimbawang gagawa man ako ng hakbang para sa nararamdaman ko at ma-frustrate lang, di kaya lalo lang akong masaktan at masira ang tiwala niya at ng mga tao sa akin?”
Oo, nakikita ng mga tao ang ngiti ko sa mga achievements na nakamit at pakikisama ko sa kanila. Ngunit ang hindi nila nakikita ay ang hinagpis at sigaw ng puso ko…
Masakit, at sobrang sakit na sa mga pagkakataong kaming dalawa lang ni Sir ang magsama, nagtatawanan, o nagkukwentuhan ng kung anu-anong bagay, ang kalooban koy sumisigaw na sana mahalikan ko sya, mayakap, o kaya’y masabi man lang sa kanya ang nararamdaman ko. Minsan, ang ginagawa ko na lang kung ganung parang sasabog na ako sa halong pagkalito at lungkot sa gitna ng usapan, mag-excuse ako nyan at pupuntang CR. At doon ko ipapalabas ang ngitngit sa sarili. Siguro nagtataka din sya kung bakit, at pag nagtanong sinasabi ko na lang na biglang sumakit ang tyan ko. Minsan din may mga oras na gustong-gusto kong mapag-isa. Pupunta nalang ako nyan sa likod ng main school bilding, uupo sa ilalim ng malaking puno dun at magmumuni-muni na parang gago. “Ganyan talaga siguro pag na-inlove ka at may mga bawal, para kang mababaliw” palagi kong sinasabi sa sarili.
Siguro napansin din ng kaibigan kong si Ricky na mayroon akong itinatago kaya’t palagi akong niyayayang lumabas. Last day na ng second semester nun nung parang di ko na talaga makayanan at nasumpungan kong sumamang lumabas kay Ricky. Nagbar kami, umurder ng beer. Mejo nag-init na ang pakiramdam ko nung nag-open si Ricky ng topic.
“Tol, buti naman pinagbigyan mo ako ngayon. Antagal na rin nating di nagbonding. Na-miss ko na ang ganito ah!”
“Oo ako nga din eh. Sensya kana. Gusto ko sana kasi ma-maximize ang time ko sa mga projects…”
“Naintindihan ko naman yun, tol. Pero, mag-enjoy ka naman paminsan-minsan. Remeber, ‘all work and no play makes Carl a dull boy’, hehehe. Bata pa tayo. I-enjoy natin ang buhay.”
“Nag-eenjoy din naman ako sa work ko eh. Kaso…”
“Kaso, ano…?” Mukhang na-excite si Ricky nung di sinadyang nabanggit ko ang salitang ‘kaso…’. “Oh, come on, Carl. Wag kang magkunwari tol, in love ka ano? Sino? Sino ang tangnang swerteng babaeng yan, ha?”
“Yan na nga ang problema tol eh…”
“Putsa, kala ko ba di ka namomroblema sa babae. sa gandang lalaki mong yan? Matalino, mayaman, campus idol, kilabot ng mga chicks, ng mga koleheyala, ng mga kung anu-ano pa? Anong pinoproble-?”
“Lalaki sya tol.” casual kong pagkasabi, pag cut kay Ricky.
Parang malaglag si Ricky sa inuupuan sa reaksyon nya. “Hah!? Tama ba ang narinig ko, tol na na-inlove ka sa lalake as in capital L-A-L-A-K-E… yung may lawit ng katulad ng sa akin at sa i…”
“Oo. At oo pa.”
Sinampal-sampal ni Ricky ang mukha nya. “Lasing na ba ako, o nakatulog na sa kalasingan? Tol naman… wag mong sabihing sa akin ka na-in love. Kahit ganyan ka kagandang lalaki… sige papatulan na kita” sabay tawa. “Tol, naman, wag kang magbiro ng ganyan please lang.”
“Seryoso nga ako, tol.”
“Shiiiiittttt! Tangina. Seryoso talaga. Ok, fine. Pero bigyan mo naman ako ng panahong mag-isip plis bago kita sagutin… naman o?”
“Tarantado! Hindi sa iyo.” Sabi kong sabay batok sa kanya.
“E, kanino? At bakit? Huhuhuhu! ano ba tong nangyari sa iyo, tangna ka. Sa kadami-dami ng babae jan na nagkandarapa sa iyo. Huhuhuhuhu! ”
“Bago ko sagutin yan, promise ka muna. Una, wag kang mabigla. Pangalawa, atin-atin lang ito. Mai-promise mo ba yan sakin?
“E nabigla na nga ako, e hinayupak ka, ganyan ka pala, uhuhuhuhu! At oo sige na, atin-atin lang ito, promise. Uhuhuhuhuhu!
“Bakit ka ba umiiyak jan, tarantado ka. Sige ka pag nawalan ako ng gana di ko na sasabihin to sa iyo, at iiwanan na kita dito, ikaw pa ang magbayad ng lahat ng inorder nating yan.” ang pasigaw ko ng sabi.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ricky sa sinabi kong iyon. “E, sorry tol… di ko kasi alam kung nagbibiro ka lang ba, o talagang seryoso e. Di ko alam kung paniwalaan ang mga sinasabi mo o ano. Di ka naman lasing, di ka naman siguro naka-bato… Seryoso ka ba talaga?” ulit nya.
“Seryoso nga, ano ka ba! E, kung ikaw nga nalilito sa sinasabi ko, ako pa kaya…? Nahirapan na ako tol, sobra!” sabi kong sabay hampas sa dibdib.
“Hindi mo ba kayang kontrolin yan? O kaya, ibaling mo na lang sa akin, hehehe, jokes lang pare, pinapatawa lang kita?”
“Kung pwedi nga lang e, bakit hindi. E, kaso… Ewan ko ba, mababaliw na yata ako neto!”
“E, di sabihin mo sa kanya?”
“Ganyan lang ba ka-simple?”
“Alam mo, tol… sa akin lang ha? Pag may gusto akong isang tao o bagay at dumating ang opportunity na pweding i-grab yun, I’d grab that opportunity talaga. Kasi, pag nawala na, o lumampas na ang pagkakataon na yan at hindi ka man lang nag try, buong buhay mong sisisihin ang sarili kung sana sinunggaban mo ang opportunity at ano ang nangyari. Kung ngayon na at susunggaban mo ang chance at sasabihin mo sa tao na mahal mo sya at sasagutin ka nya na ayaw nya o ayaw nya sa iyo, at least, nag-try ka. There’s no harm in trying sabi nga”
[ITUTULOY...]
Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR
Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha
Tags: IDOL KO SI SIR


































Entries (RSS)