“What for…? And besides, there’s nothing to explain, Carl. I accepted responsibility and that’s it. May ginawa o nagawa akong mali, hindi ko itinatwa yun and I acknowledged my mistakes. Masakit, pero you reap what you sow, diba? Sabi ng iba, it’s karma. And I believe it. I deserve the punishment. At harapin ko ang punishment na iyan ng buong tapang dahil it’s what makes me a man. At dapat kong paninindigan ang pagharap sa consequence. Importante yun para sa akin. Kapag ang isang tao ay walang paninidigan, o kayay tinatakbuhan ang responsibility sa mga maling nagawa, balewala na rin ang pagkatao nya. Gaano man ka hirap o kasakit ang punishment sa ngawang pagkakamali basta pinanindigan ang pagharap nito, buo pa rin ang pagkatao mo at hindi mawawala ang respeto mo sa sarili at ng ibang tao sa iyo. It hurts, of course and it requires a great amount of courage and fortitude but ganun talaga, ‘truth sometimes hurts’. Magpakalalaki ka lang. And for me, I would rather look at the bright side. And it’s that the truth will set me free. At least nabayaran ko na ang pagkakasala ko at maluwag na ang kalooban. At…” sabay hawak nya ng balikat ko “kagaya mo, isasara ko na rin ang kabanata ng buhay ko sa school na to, babangon muli, at bubuksan ang panibagong yugto ng hamon at pagsubok.”

Malalim ang mga katagang binitiwan ni sir James. At nararamdaman ko rin ang iba pa nyang saloobin lalo na sa sinabi nyang panibagong hamon dahil sa nasa ganung sitwasyon din ako at ganun ang nadarama. Ang kaibahan lang siguro sa akin ay ang haharap ako sa panibagong pagsubok na puno ng pag aalinlangan at takot. Lalo akong humanga sa ipinamalas na tapang ni Sir James at sa paninindigan nya. Ang pagdepensa at pag protekta nya sa akin at ang positibo nyang pananaw sa kabila ng matinding daguk na kinakaharap. “Napakabuti niya. Hanggang sa huli, kapakanan pa rin ng iba ang iniisip. Ako kaya… kaya ko kayang pantayan ang paninidigan nya; ang tanggapin ang pagkakamali at harapin ang kaakibat na ‘punishment’? Paanu ko kaya maramdaman ang sinasabi nyang ‘the truth will set you free’?” Ito ang matinding mga katanungang nagpaantig sa puso at isipan ko.

Hindi ko na magawa pang magsalita. Nilapitan ko si Sir James, niyakap ng mahigpit at humagulgol na parang bata. “James, patawarin mo ako, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung paano ako makaganti sa kabutihan mo. Utang ko sa iyo ang lahat. Sa kabila ng mga kapalpakan ko, heto, ni hindi ka man lang nagpakita ng galit sa akin at bagkus, ikaw pa itong nagdurusa sa mga kasalanan ko.”

Hinaplos nya ang balikat ko. “Alam ko namang di mo sinadyang ikalat yung video clip e. Kaya walang dahilan para magalit ako sa iyo. Don’t cry over spilled milk; wala na tayong magagawa sa mga nangyari na. Ang magandang gawin na lang natin is to learn from this experience. Ang mga kamalian at sakit na dulot nun ay dapat kalimutan ngunit palaging tandaan ang mga naging leksyon nito sa buhay. Dahil jan sa mga pagkakamali natin tayo natututo, naging matatag, at ang lahat ng mga pangyayari ay may dahilan…”

Tinitigan ko si Sir James. Binitawan nya ang isang ngiting animoy nang-aamo at bakas sa mukha nya ang katatagan, paninindigan at katapangan. “Go Carl, hinihintay ka na sa rehearsals. Tomorrow is your big day. Enjoy it and make everyone proud of you. Kahit hindi ako makapunta, isipin mo palagi na ang mga ginagawa ko ay para sa iyo. And I am so proud of what you have achieved and made of yourself. Wag mo akong intindihin. Maaring naharap ako ngayong sa matinding pagsubok, ngunit tatayo ulit ako, mas determinado, mas matatag, at mas handang humarap sa mas malalaki pang pagsubok.”

Hinalikan ko ang isang pisngi ni Sir at dali-dali na akong bumalik ng school, mabigat ang damdamin ngunit baon ang malalalim na aral na natututunan mula kay Sir James.

Hindi na natuloy ang takda sana naming pagkikita ni Sir James sa gabi ng araw na iyon. Pinayuhan nya ako na mas makakabubuti iyon para wag akong madamay at wag nang lalala pa ang issue lalo na kapag may nakakakitang pumunta ako sa flat nya. Kahit masakit sa kalooban at ang isip ay nag alinlangan, sinunod ko rin ang payo nya kahit sa kabila ng katotohanang maaring yun na ang huli naming pagkikita. Napag alaman ko na sa araw ng graduation ay aalis sya, hindi sinabi kung saan. Sa gabing iyon, hindi ako makatulog at si Sir James lang ang laman ng isip. Parang kumakawala ang puso ko at sumisigaw na puntahan sya at damayan. Ngunit nanaig din ang takot na baka hindi makatulong ang pagsuway ko sa payo nya, at lalong malagay akming dalawa sa alanganin. “Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Paano kaya ako makabawi sa lahat ng ginawa nyang kabutihan? Kailan kaya kami magkikita muli?” Ito yung mga tanong na bumabagabag sa isipan.

Araw ng graduation, perfect ang lahat – program, set-up ng lugar, stage decorations at ang mga bulaklak na nagsilbing palamuti, backdrop, coordinations ng mga taong naka-assign sa iba’t-ibang kumite, atbp. Nandun din ang lahat ng mga teachers – well, halos lahat. Sumipot lahat ang mga guests, ang mga madre sa congregation na may hawak ng school. Higit sa lahat, full force ang mga ga-graduate sampu ng kanilang mga magulang. Ramdam ko ang saya sa puso nilang lahat. At sigurado ako, proud na proud sila at pati na rin ang mga magulang nila. Ngunit sa kanilang lahat, ako ang pinakaproud, at ang mom ko ang pinaka-proud na magulang sa lahat. Nalala ko na simula pa nung bata ako, wala akong natatandaang achievement sa school kung hindi ang puro pagpapahirap sa kanya, pagpupunta nya sa guidance coucilor o sa principal dahil sa pambubugbog ko sa kaklase o sa iba’t-ibang mga kalokohang ginagawa. Alam ko, abot-langit ang kagalakang nadama ng mom ko sa sandaling iyon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon ko lang sya nabigyan ng karangalan, at sulit naman. At dama ko yun sa mga nakakabinging palakpakan ng mga tao sa pagtawag na ng aking pangalan, “Mr. Carl Miller, Summa Cum Laude!” At paulit-ulit ko pang tinamasa yun sa pabalik-balik kong pag akyat ng stage upang tanggapin ang iba’t-iba pang awards. Pakiramdam ko, ako lang ang nag-iisang gumraduate dahil ang lahat ng atensyon ay nakatutok sa akin.

Nung magbigay ako ng speech, sinabi ko kung ano ang nararamdaman sa mga sandaling iyon at ano ang mga dapat pang gawin naming mga graduates pagkatapos matanggap ang mga diploma. Binigyang inspirasyon ko silang lahat sa pag emphasize sa mga katagang “katatagan” “determinasyon” at mga “hamon” sa buhay. Sa kalagitnaan ng speech, hindi ko maatim na hindi lingunin ang isang upuang nabakante sa side ng mga administrators. Napahinto ako sandali at tila isang sibat ang tumama sa puso nung bigla na lang nag-flash sa isipan ang tila nang aamong ngiting huli kong nakita sa mukha ni Sir James. At ang nasambit na lang ng isip ko, “Sir, para sa iyo ang lahat ng ito; kung hindi dahil sa iyo, wala sana ako ngayon dito.” Naalala ko ang kabaitan nya, at ang paghihirap sa kaparusahang dapat ay ako ang umako at magdusa. Habang ako ay tumatamasa ng tagumapay, hinaharap naman nya ang matinding dagok. Pilit kong nilabanan ang pagdaloy ng luha. Nag-crack ang boses ko nung ipinagpatuloy ko na ang speech. Ang buong akala ng lahat ay nadala ako sa sobrang tuwa sa nakamit na tagumpay. Nung matapos na ang talumpati ko, nakakabingi ang mga palakpak ng mga tao.

Nakababa na ako ng dalawang baitang sa hagdanan ng stage pabalik na sana ng upuan nang parang hinila ako ng mga sariling paa upang bumalik ulit sa podium. Nagtaka ang lahat sa bigla kong pagharap muli sa mikropono.

“A…” Ang nasambit ko lang, di malaman kung panu simulan habang kumabogkabog ng malakas ang dibdib sa pag-aatubili kung itutuloy pa ba ang pagsasalita o hindi na lang, lalo na nung makita ang audience na dahil sa hindi inaasahang ginawa ko, lahat sila ay nakatutok, excited sa kung ano man yung importante ko pang sabihin. Nakakabingi ang katahimikan. Sumiksik sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni sir James, “Kapag ang isang tao ay walang paninidigan, o kaya’y tinatakbuhan ang responsibility sa maling nagawa, balewala na rin ang pagkatao nya.”

“I just would like to add a few words. I haven’t prepared this one but something in my heart tells me that I must share this…” Huminto ako ng sandali, nag-isip kung ano ang isusunod. “Everyone knows that I came from the big city. I grew up there and was used to the ways of hustles and bustles. Since I can remember, I have always been a huge headache to my mom and to everyone in every school I enrolled in. I was stubborn and stupid and carefree and misbehaved. I was hooked in cigarettes, alcohol, and drugs, I have experienced getting jailed, I was kicked out of school several times… I was practically a lost person. Because of that, Mom decided to transfer me here, ‘for a change’ she said, although at the backseat of my mind I knew that it was for something else. And this something else was to change me for the better. This change I called ‘rehabilitation.’” Tawanan ang audience sa term na ginamit ko, at yung iba ay napatingin sa mom ko na natawa na rin.

“From the very first day of my stay in this school, I never really believed that there was any difference; and neither did I believe that the nuns or any teacher in this school could deliver the ‘change’ that my mom wanted in me. In fact, when I saw the idyllic campus for the first time, my mind screamed that the place was so good I could organize a gangster or some kind of a mafia with me as the boss and the nuns as the mafiosos.” Tawanan, palakpakan ang lahat.

“You can just imagine how hopeless my case was. I believed that everything in this world has its corresponding price, money that is, just like the shoes that are being displayed in supermarket stalls. And every single one of us has our own asking price too, just waiting to be named. So whatever Carl wants, Carl gets. At least, that’s how I looked at life. But… all that changed when –” Napahinto ako sa pag aanticipate ko sa maaring reaction ng audience sa susunod kong sasabihin. “I met Mr. James Cruz, my professor in Sociology.” Ang dugtong kong nag-crack na ang boses at pilit nilabanan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng emosyon.

[ITUTULOY...]

Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR

Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha

Tags:
Leave a Reply