“Dear Sir James, I am so sorry if I may bother you with this letter but I have no other recourse than to put my thoughts in writing. For the past days, I have observed that you have changed; you are not anymore the professor I used to know; the friend who was so accommodating, so thoughtful, and so open with everything; the friend who pays attention even to the senseless things that I say, laughs at my corny jokes, and takes a little of the food that I am about to put into my mouth. You have no idea how this abrupt change has affected me and turned me crazy. Certainly, there must be a reason; a reason that I deserve to know and for which you owe me. Tonight, I will be coming to your flat. I beg you to please allow me. I need to know what’s going on. Carl Miller.”
Alas 8 ng gabi nung dumating ako sa lugar… Bagong paligo, nilinis at siniguradong mabango ang lahat ng parte ng katawan, at suot-suot ang bagong t-shirt at maong, nakatayo ako sa harap ng gate. Syempre, ibayong kaba ang nararamdaman kung tatanggapin ba nya ang request kong makipag-usap o pagtaguan na lang ba. Naalala ko ang una kong pag-punta doon. Halos walang pagbabago ang kabuuang anyo ng flat ni Sir. Nandun pa rin ang mga matitingkad na pulang bougainvilleas na walang humpay sa pamumulaklak at nagsilbing arko at shade ng gate, ang kulay puting pintura ng mga metal grills, at ang sementong upuan sa gilid nun. “Deja vu?” ang nasambit ko sa sarili at malalim na buntong hininga ang binitiwan.
Hawak-hawak ng kabilang kamay ang isang supot na puno ng setserya at bote ng imported na alak, kumatok ako. Nakailang beses din akong kumatok. Akala ko hindi na talaga ako ulit makakapasok pa sa kwarto na yun nung biglang bumukas ang pintuan. Si Sir James, naka shorts at t-shirt, at halatang bagong paligo. Parang lumundag sa tuwa ang puso ko sa di akalain na paghintay nya sa akin at sa nakitang anyo. Bakat na bakat sa suot nya ang matipunong katawan at ganda ng ipinamalas na ngiti. Ang nasambit ko na lang ay, “Hi James!”
“Hi Carl! Natanggap ko ang note mo so I expected na darating ka. What’s up?” ang sambit nya habang tuluyang binuksan ang pinto at pinapapasok ako.
“Heto, ok lang naman sana but I got some things to clear up…” hindi ko na itinuloy ang sinabi. “Heto pala may dala akong imported wine at pulutan” sabay upo sa sofa.
Tiningnan nya ako. “Sorry but I don’t drink, Carl. Soft drink na lang ang sa akin. Ayokong mangyari ulit yung nangyari dati sa atin dito. Nangyari lang naman iyon dahil you trapped me into doing it, right? Alam mo yun.”
Mejo natigilan ako sa narining. “Ibig sabihin, naalala pa pala nya ang nangyari sa amin…” sabi ko sa sarili na may halong kiliting nararamdman sa pagbukas nya sa issue na yun. “OK, fine… Kinorner kita nun para makainum. At, I’m sorry sa ginawa ko na iyon. I was mean. Pero, alam mo naman na talagang salbahe pa ako nun, diba?” ang pag-amin ko habang inilagay ang wine at mga pulutan sa mesa. “So, ako na lang ang iinum netong dala ko? Isn’t it a little impolite on the part of the host if his guest takes a sip and he’s not joining?” pagpaparamdam ko.
“Yeah, I think so.” ang mabilis nyang sagot. “But don’t forget that the host can also be polite by showing the door to his guest… Ano, you want me to do it the polite way or the impolite one?”
“Hahahahaha! Ang tindi mo talaga James. Ok, it seems I have no choice.”
Napangiti siya at tumango, “So impolite it is!” Kumuha sya ng isang baso, isang bucket na may ice at inilagay iyon sa mesa. Kumuha din sya ng isang soft drink sa refrigerator, binuksan at habang hawak-hawak, “OK, so ano ang importanteng pag-uusapan natin na kailangan mo pang maglasing?”
Binuksan ko ang bote ng wine, nilagyan ng ice at wine ang baso, pinaikot-ikot ang laman nun saka tinungga. “Ahhhhh, sarap talagang uminom, James, di ka ba naiinggit?” sabay lagay ulit ng wine sa baso at ulit, tinungga.
“Hey! Don’t beat around the bush, Carl. I don’t have a day!”
“Wait ka lang, James… sandali lang ha?” at ulit tumungga ako, at tumungga pa. Kitang-kita ko sa mukha ni James ang pagka-inis. Mejo naramdaman kong umiikot na ang paligid nang magsalita na ako. “Pwedi ba, James umupu ka sa tabi ko, please?” Gusto kong matawa sa request ko sa kanya. Lumakas ang kabog sa dibdib at parang nakikiliti sa naglalarong di maganda sa isipan.
Kalmanteng umupo nga si Sir sa tabi ko, malapit pero may konting gap. “Ok, para lang matapos to… Now, go ahead Carl.”
Nag-isip muna ako ng malalim. “Hindi ko alam kung panu sisimulan ngunit ako ay sobrang nasaktan sa pagbabago ng pakikitungo mo sa akin, James. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali na kailangan mo akong iwasan. It drives me crazy, James… believe me” ang sabi kong halos tutulo na ang luha.
“Carl, una sa lahat, hindi kita iniiwasan. Gusto ko lang mag-set ng distance, a certain code, kumbaga. I feel that we have become too close for comfort. Parang nasasakal na tayo without even knowing it. Di mo ba napansin ang tingin ng ibang mga estudyante sa ginawa mong pagdidikit sa akin? Hindi lang ako teacher Carl, remember that; I am also an administrator. You should undestand that I have a code of ethics to follow, someting that prevents me from being inappropriately and dangerously close to any student, not just you.”
“You mean that our closeness is “inappropriate” or “dangerous”?
“Honestly? Yes. It has become inappropriate. Especially when you sent me those flowers? I felt like a – ugh! – shit.”
“Well then, if it’s the flowers, let go of the flowers. But please James, wag mo akong iwasan. Ibalik natin yung dating closeness natin.”
“Carl, you don’t get me, do you? It’s not about the damn flowers, ok? It’s about sense of propriety and respectability. Don’t you still get it? People are talking about us!” ang pasigaw nyang sabi.
Nagulat ako sa laman ng sinabi nyang iyon. “So, natakot ka sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao kaysa ano ang nararamdaman ko, ganun ba yun? ang sagot kong pasigaw din.
“Oh I see… I forgot about you. Ok… Ano ba pala ang nararandaman mo, Mr. Carl Miller? Bakit ba parang kang mamamatay na sa maliit na bagay na hiniling ko? Sige, sabihin mo nga!”
Para akong sinampal sa tanong ni James na iyon. Sumisigaw ang isip kong sabihin na hindi maliit na bagay ang hiniling nya at hindi maliit na bagay ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit nanaig pa rin sa akin ang matinding takot. At akoy napahagulgol na lang at yumuko.
Nagulat ako nung bigla akong yakapin ni Sir James na parang may alam sya sa paghihirap ng kalooban ko. Hinaplos nya ang likod ko, ang buhok… Niyakap ko na rin sya, mahigpit na mahigpit, at hinaplos din ang likod nya, ang buhok… hanggang sa gumapang ang mga kamay ko sa mukha nya. Hinawakan ko iyon, nagtitigan kami na para bang ang mga mata ko ay nakiusap at nagmamakaawa. At naalimpungatan ko na lang nang idampi ko na ang mga labi ko sa mga labi nya…
Mabilis ang mga pangyayari at naalimpungatan ko na lang na magkadikit na ang mga labi namin ni Sir. Hindi ko maipaliwanag ang sarap ng nararamdaman sa pagkalapat ng aming mga bibig. Hihilahin ko na sana siya pahiga sa Sofa nung bigla na lang syang kumalas sa pagkakayakap ko at tumayo. “Carl, I have to ask you to leave…” ang tugon nya habol-habol ang paghinga.
“James, I don’t understand!”
“Just leave Carl, OK?” diin nya.
Parang nag-init ang tenga ko sa narinig at sa naunsyaming halikan. “No, James, unless you can give me a really good reason why I should leave. Ano ba ang nangyari sa iyo? Palagi ka nalang ganyang gumagawa ng hakbang na hindi ko naiintindihan? Dahil ba sa halik ko? Bakit, di mo ba nagustuhan ang halik ko, ha?” ang pasigaw kong sabi sabay duro sa kanya.
“Wag mong pag-initin ang ulo ko, Carl. I said leave now at baka masaktan pa kita”
“Di saktan mo ako kung gusto mo! Kayang-kaya mo naman ako e!” ang paghamon ko sabay kuha sa bote ng alak at tinungga iyon, at tinungga ulit hanggang sa halos maubos na ang laman.
Wala ng magawa pa si Sir kundi ang pagmasdan ako. At para mainis sya lalo, hinubad ko ang t-shirt ko, at sumayaw-sayaw sa harap nya. Subalit sa sobrang hilo, naduwal ako na agad naman nyang naagapan sa pagsalo sa katawan ko at pinaupo sa sofa. Hindi ko na nakayanang tumayo pa at sumuka na lang ako ng sumuka sa carpet, sa sofa, at pati pantalon ko’y nasukahan din. Yun na ang huli kong natandaan.
Mga 9am na kinabukasan nung mahimasmasan na ako at magising. Masakit ang ulo, mahapdi ang sikmura, at tila disoriented. “Kaninong kwarto ba to? Bakit ako nandito?” ang tanong ng utak ko. Kinapa ko ang katawan, wala akong suot na damit pang-itaas. Naka shorts ako pero di ko alam kung kanino iyon. Pilit kong ni-recall ang mga pangyayari hanggang sa naalala ko na ang pag-inum ko, ang pagsasayaw, at ang pagsusuka. Bumangon ako at paika-ikang lumakad patungong kusina. Sumalubong kaagad sa pang amoy ko inihandang breakfast ni Sir James. Nakita kong nakalatag na sa mesa ang fried rice, hotdog, scrambled egg at daing. “Hmmm, ang sarap!” sabi ko sa sarili. Dumeretso na ako sa may wash basin para maghilamos at pagkatapos ay umupo na sa may hapag kainan kaharap ni Sir james na nakaupo na rin at naghintay na lang sa akin.
“Morning Carl! Coffee or milk?” ang tanong ni Sir James na nakahandang ipasa sa akin ang kung ano man ang pipiliin ko.
“Morning James, coffee please…!” ang maiksi kong tugon at bitiw ng napakagandang ngiti. “Hmmm, ang sarap ng daing! Na-miss ko tong ganito kina Tatay Nando ah!” sabay tanggap sa kapeng ipinasa nya.
“Hahaha! Yeah, sa kanila nga galing yan, dala ni Maritess. Kumusta ka na at kumusta ang tulog mo?”
“Mejo masakit pa ang ulo pero inspired…” Di ko na dinugtungan pa ang sinabi. Nag-uumapaw pa kasi sa isipan ang sarap na nararamdaman bunga ng paghalik ko sa kanya nung nakaraang gabi. Pero sa loob-loob ko, gusto kong magtanong sya kung bakit ako ‘inspired’. “Ganda ng tulog ko, grabe! Wala akong matatandaan kahit na ano. For the first time in my life iyon pa siguro ang tulog kong dire-diretso… Pasensya kana pala sa akin kagabi ha? Ang naalala ko sumasayaw ako tapos yun na, deretso nang bumagsak at nagkalat ng suka.”
“Hahaha! Oo nga, lasing na lasing ka kagabi. Paanu ba naman, inubos mong mag-isa ang buong bote ng alak.”
Mejo na-disappoint ako ng di sya mag-follow up kung bakit ako inspired. “Ok, fiine” bulong ko sa sarili. “Sorry talaga James, pasensya na… Oo nga pala, sa kama mo ako natulog ah. Ikaw, san ka natulog?” ang tanong ko’ng na-excite sa possibility na nagtabi kami.
“Sa kama ko, syempre. Anlaki nyan eh, kahit isang buong pamilya pa ang hihiga jan, walang problema…”
“Talaga?”
“Talaga!”
“I mean talagang jan tayong dalawa natulog?”
“Oo nagtabi tayo. Bakit may problema ba?”
“Hehehe! Wala naman. E yung pagpalit ng shorts ko, panu mo ginawa?”
“Kakatuwa naman yung mga tanong mo. E di syempre, hinubad ko yung jeans mo. Pinunasan ko pa nga ang buong katawan mo ng hot towel dahil para kahit papanu makakatulong iyon para mawala ang pagkalasing mo?”
“Talaga? Ginawa mo yun? Ahhh, kakahiya!” ang sabi kong kunyari hiyang-hiya, di nagpapahalata na parang malaglag na ang puso sa sobrang galak. “E… di naka-brief lang ako nung pinunasan mo?
“Oo, yeah… yeah” tumango-tango sya, naka-concentrate lang sa pagkain.
“Kakahiya talaga! Shiiiit! E… yung anu ko, hindi naman nagwawala?”
“Anong ‘ano’?”
“Hmmmm, kunyari pa to!” bulong ng utak ko. “Yung ano, ito…” turo ko sa harapan ko, kinikilig.
“Ah, hahaha! E… di ko na matandaan eh. Wala naman akong malisya jan, pareho naman tayong may ganyan…”
“Panis! Panis talaga!” sabi ko sa sarili. “E, bakit mo naman naisipang punasan ang katawan ko?”
“Wala akong choice e. nandito ka sa poder ko I have to do what is necessary. Kahit kanino, gagawin ko iyon. Pero so far, ikaw pa lang naman ang may malakas ang loob na uminom dito sa flat ko ng walang pakialam kung kaya pa ba ng katawan o hindi.” sabay iling at bitiw ng ngiting-pang aasar. “Teka, bakit ganyan ang linya ng mga tanong mo?”
“Wala lang… nahiya lang ako sa iyo, e. Baka isipin mo na bumalik na naman ang pagka-bad boy ko.” ang palusot ko nalang.
“Don’t worry, I understand…”
“Thanks James. Ambait mo talaga. Teka… nung magtabi tayo sa pagtulog, wala ba akong ginawa, o ginalaw?”
“Wala naman, good boy ka. Kaso, nagsasalita ka habang tulog.”
“Talaga? May naiintindihan kaba”
“Hindi masyado pero yung ‘i love you’ lang. Sino ba yang love interest na yan?”
Feeling ko humigpit ang balat ng mukha ko sa tanong niya na yun. “A, e…” Di ko itinuloy ang sasabihin. Tinitigan ko lang si Sir James.
“Ummm, ano? Bat ganyan ka kung makatitig?”
“Wala lang…” Sandaling nag-isip kung itutuloy bang sabihin ang nilalaman ng kalooban. “A, e… James, pwedi ba akong magsabi sa yo kahit na ano?” ang kagat-labi kong tanong.
“Syempre naman, ikaw pa. Kahit nag-set na ako ng ‘distance rule’ para sa iyo, subalit dahil nandito ka na sa bahay ko, i- suspend ko muna iyan, wala akong magawa. At lubos-lubusin mo na dahil sa susunod, baka hindi na kita payagan pang pumunta dito na nag-iisa, alam mo na ang ibig kong sabihin…”
“Pero promise hindi ka magalit sa maaaring itanong ko?”
“Go ahead, try me.”
Huminga ako ng malalim. “James… yung nagsasalita ako habang tulog?
“Yes?” sabay subo ng pagkain, pinagmasdang maigi ang mukha ko, inip sa kung ano man ang sunod na sasabihin.
“Para sa iyo yung ‘I love you’!”
Nabilaukan bigla si Sir, napaubo at kumuha ng tubig habang ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko sa sobrang hiya at di maintindihang mabilis na pagkabog ng dibdib.
“Carl, wag kang magbiro ng ganyan, ok?”
“Totoo yan, James. Since last year ko pa nadama sa iyo to, nung simulang magbati tayo at narealize ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. Tiniis ko lang, James. Isang taon akong nagtiis. Kaso, hindi ko na talaga makayanan e. Kung napapansin mo minsan kapag nag-usap tayo, malungkot ako. Ikaw palagi ang nasa isip ko, James. Maniwala ka, di ako gumagawa ng gimmik. Di ako nagbibiro. Di ako lasing o naka-droga. Di ko nga maintindihan ang sarili kung bakit ako nagkaganito. Litong-lito talaga ako, James. Kaya sensya na na nasabi ko to, di ko na talaga kayang itago pa.”
Napailing si James, nag-isip. Di malaman kung matawa o seseryosohin ang narinig. Tinitigan nya ako. “Ok, granting na maniwala ako sa sinabi mo, ano ngayon ang gusto mong mangyari?”
“Yun… ang malaman mo kung ano ang nararamdaman ko. At gusto ko ring malaman kung may nararamdaman ka rin ba sa puso mo para sa akin, yun lang.”
“Alam mo Carl, hindi issue dito kung may nararamdaman ako sa iyo o wala. Ang issue dito ay kung tama ba o mali – ako, bilang guro at part ng administration ng school at ikaw, bilang estudyante. And in my prudent judgment, that it’s wrong Carl.”
“Ok James, nandun na ako, it’s wrong if you say so, based on some code of something, whatever. But just this question… may nararamdaman ka ba para sa akin? Sugutin mo ako, James… and look at me, please?”
Yumuko lang si James, walang binitiwang salita. Dahil dito, nagduda ako na meron din syang nararamdaman para sa akin at sadyang itinatago lang nya dahil sa position nya sa school. At ito ang nagpapalakas ng loob kong i-convince sya at pakawalan iyon.
“James, I don’t believe in right or wrong sa pag-ibig. Ito’y walang code of conduct, walang rules. Kaya nga hindi mo pweding husgahan ang pag-ibig kung tama o mali ito e, di ba? Ito nga, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nagkaganito. Can you blame me? Can you say I am stupid? Can I say God is stupid too because he gives me this feeling? But I feel it James. I don’t know why, but that’s the truth and it hurts, and it’s killing me. I can’t deny it, I can’t ignore it, I can’t suppress it. It just came to me from nowhere, and that’s it. I know James na sa ginawa kong ito, there is a huge price to pay. But I am willing to give up everything, James – everything, maipaglaban ko lang ang nararamdaman ko para sa iyo!”
“Hindi ko talaga alam, Carl kung matawa o anu. But ok, you are correct in saying that we can’t judge feelings. I agree with you in that respect. Feelings per se are amoral. You can’t say if it’s right or wrong, or if it is good or bad. It’s part of being human. But what you do about your feelings makes the difference. If you kill because of love, then that is wrong. If you shoot down a teacher just because you love him, that is selfishness… and it’s not right, is it Carl?”
“So… you mean to say that you have feelings for me too, right, James? And the reason why you don’t want to open it up is because you are bound by your stupid code of ethics, your rules, your professional etiquette or morality standard whatever; because if I ‘shoot you down’ as you said, I am selfish, and that is wrong, am I right, James? Tell me… tell me James!” ang sabi kong pasigaw sa kanya.
Mukhang napikon si Sir sa sinabi ko. “I think you are missing something here Carl and I don’t think this discussion is gonna end up somewhere. I suggest we continue our breakfast and talk things over later, ok?”
“O yeah, now I’m missing something, ha? Hindi naman ako nakipagdiscuss sana James e. I just asked a simple question and all I need is a simple yes or no. Do you love me too? That’s my simple question. Why is it so hard for you to answer that?”
“Babalik na naman ba tayo? I answered you already. And my answer was – and I will say it again – ‘that is not the issue’! Why is it so hard for you to understand? OK, ganito na lang, di ba in two-week’s time ay graduation na? The night before the graduation, I can invite you over. Bale treat ko yan sa iyo because I know that you are a candidate for the top honors. After all, it’s the end of the school year, and maybe we can have a nice, clean bonding before you leave the College and the people you’ve met here. What do you say?”
Kahit bitin na bitin pa ako sa walang kalatoy-latoy na sagot nya, pumayag na rin ako. At least, pumayag sya na mauulit muli ang pagtatagpo namin sa flat nya. “Baka sa pagkakataong iyon, mapilitan na talaga syang sabihin sa akin ang nararamdaman nya o kaya’y bibigay rin syang kusa” bulong ko sa sarili. “Do I have any choice?” ang sagot ko nalang sa tanong nya.
[ITUTULOY...]
Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR
Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha
Tags: IDOL KO SI SIR


































Entries (RSS)
isang buong story po iyan. eto ang link oh http://www.tagablognibeans.com/idol-ko-si-sir/
bitin nman..lol can you please update me kung ano ang tutuloy..thanks
Well, many people are experiencing things like this. I am excited on what will happen next. I hope you share more information about your story so that i can relate more. Anyway, i hope to visit your website again.
It’s my first time to visit your website. Sa totoo lang i’m a little bit shock and excited about what will happen next. I think i really need to read your previous post para maintindihan ko talaga ung story mo. I hope you will have the answer your longing to hear.