PANIMULA

Ang kwentong ay naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang mambabasa. May mga bahagi ng kwento na naglalahad ng mga maselang eksena na hindi pa gaanong tanggap ng marami. Kwentong ng dalawang adan na nagmamahalan. Ang kwentong ito ay pinagbibidahan ni Carl at ni James….

=======IDOL KO SI SIR=======

Magsi-second year college ako, 18 years old lang nung inilipat ni mommy sa probinsya upang dun na mag-aral. Sa Maynila kasi, kahit magagaling ang schools ay halos walang nangyayari sa pag-aaral ko, dahil sa bisyo at barkada. Siguro nakita nya na pag sa Maynila ako mag-aaral, walang ring patutunguhan dahil na imbes ang mga subjects ko ang ipasa, kung anu-anong bisyo na lamang ang natututunan. Kaya’t yun ang napagpasyahan ni mommy na ilipat nga ako.

Nag-iisang anak lang ako at noong paslit pa lang ay naulila ako sa daddy kong kano, kaya’t mom ko na ang nag-alaga sa akin. Actually, hindi naman mahina ang ulo ko, in fact, nasa gifted level ang aking IQ. Sadya lang talagang ayokong mag-aral at ewan ko rin ba, parang may kulang. Feeling ko wala akong kakampi sa mundo at dahil sa kahit na anong bagay ay naibibigay ng magulang, hindi ko naranasan ang maghirap. Sa pakiwari koy napaka boring ng mundo, walang ka-challenge challenge. ‘Yan ang naisiksik sa utak ko simula nung ako’y bata pa lang. Kaya enjoy na enjoy ako sa barkada at sa bisyong sugal, droga, at kung anu-ano pa.

Siguro pwedeng sabihin na ang lahat ng bagay ay nasa akin na – hitsura, height, kaginhawahan. Ngunit ang lahat ng ‘to ay hindi ko iniisip o na-aappreciate man lang. Parang may iba akong hinahanap. Kaya nung mag-decide ang mommy na sa probinsya na ako mag-aaral, pumayag na rin ako. “Ok lang… baka doon ko matagpuan ang challenge na hinahanap-hanap”, sabi ko sa sarili.

Hindi kalakihan ang school. Siguro, may mga 400 estudyante lang ang mga mag-aaral ng buong colllege department. Isa itong sectarian school na pag-aari ng mga madre. Kahit na nasa probinsya ito, kumpleto at state-of-the-art ang mga facilities. Mailinis, nasa ayos ang lahat. At ang nagustuhan ko rin ay ang malalaking punong kahoy sa loob at paligid ng campus na nakapagbibigay ng malamig at preskong hangin. Dahil sa hindi kalakihang population, halos mgakakakilala ang mga estudyante rito; alam nila ang mga transferees, ang mga pamatay sa honor’s list, ang pabalik-balik sa subjects, kung sino ang may ganitong ugali, body odor, habit, etc. Kaya nung unang araw pa lang ng pasukan, sa akin nakatutok ang tingin nila. Kumbaga center of attraction na kaagad. At dahil galing ng Maynila at mejo naiiba ang dating dahil mestiso at matangkad, maraming nakikipag-kaibigan. Siguro din, merong mga naiintimidate lalo na ang mga lalaking estudyante.

Simple lang ang paniniwala ko sa buhay. Ang lahat ay nakukuha sa pera, at kung hindi man sa pera, sa ibang diskarte – pagpapa-cute, pambobola, panliligaw, pagpapa-impress, o simpleng pagparamdam na nanjan lang ako sa tabi, handang magbigay ng kung ano man ang gusto nung tao sa akin kapalit ng gusto ko. At kung ayaw pa ring bumigay at masyado nang nasaktan ang ego ko, pwedi na ang ultimate na sandata – blackmail. Kumbaga, wala sa bokabularyo ko ang santong dasalan; lahat ay nakukuha sa santong paspasan.

Wala akong problema sa mga estudyante at kaibigan. Unang impression pa lang nila sa akin ay “cool” kaagad; friendly daw ako, mabait, palabiro at andaming chicks na kinikilig. Sa dami ngang nakikipagkaibigan sa akin baka kung tumakbo akong presidente sa student council, mananalo ako kaagad ng walang kahirap-hirap. Ang problema ko lang ay ang isang teacher sa Sociology – si Sir James…

Si Sir James ay 23 years old lang, matalino, magaling magturo at mejo non-traditional ang approach sa klase. Kung hindi nga lang sya naka-upo sa teacher’s desk sa harap ng classroom ay masasabi mo talagang isa sya sa mga estudyante sa klase namin. Matangkad, moreno, guwapo at estudyanteng-estudyante ang porma sa pananamit at pagdadala. Nakikipag-bonding sa mga estudyante, nakikipagbiruan, nakikipaglaro ng basketball, at malapit ang loob sa kanyang mga estudyante. Ngunit kung gaano sya kalapit sa mga estudyante sa labas ng silid-aralan, kabaligtaran naman ‘pag nasa loob. Mahigpit sa mga rules at disiplina. Pero, patas naman. “Kapag nasa labas, barkada tayo, kahit ano pwedeng sabihin, pwedeng gawin; pero kapag nasa loob ng klase, ibang usapan na. Ako pa rin ang teacher nyo” Yan ang linya nya sa mga estudyanteng nakikipagbarkada sa kanya. Kaya gustong-gusto sya ng mga estudyante. Kumbaga, klaro ang rules nya, patas sa lahat, at alam nila kung saan sila lulugar, di kagaya ng ibang teachers na masungit, tyrant, o kaya ay parang wala lang…

Isang taon pa lang na nagtuturo si Sir James ngunit kilala na sya bilang isang magaling na guro at maraming nalolokong estudyante. Ngunit, siguro sadyang hindi pweding magkalapit ang loob namin. Sa unang meeting pa lang ng klase, na-experience ko na kaagad ang bagsik nya.

“Class, I’d like you to introduce yourselves, let’s start with the newcomer here from the big city, Mr. Miller…” yun ang hindi ko malimutang pambungad na salita nya kung san nagsimula ang pagka-badtrip ko.

Tumayo nga ako at nagself-introduce. Kaso, mejo nasobrahan yata ang pagka-presko ko. “My name is Carl Miller and, as Sir James said, I’m a transferee, 18 years old, single without experience, never been touched, never been kissed. In short, I’m a stupid, horny virgin, very much available and am planning to offer myself for auction” sabay hiyawan at palakpakan ng buong klase.

“Silence!!!” sigaw ni Sir James sabay lingon sa akin na namumula ang mukha, “Mr. Miller, this is a civil class for people who desire to be civil. And I have no intention of turning this into a brothel or a sex shop! We don’t care if you are a virgin, a stupid, or a maniac. We just want to know something civil about you, you understand?”

Biglang natahimik ang lahat, at syempre, hiyang-hiya ako sa sarili.

Simula nun, feeling ko pinag-iinitan na ako ni Sir James. Parang ang lahat na mabibigat na assignments ay sa akin napupunta. Pag sa klase nya hindi ako tumataas ng kamay o kaya’y sadyang walang maisasagot, pinapatayo ako nyan, at kapag may naisasagot naman, sinusupalpal. At hindi lang yan, ang tawag nya na sa akin ay ‘Blessed Virgin Carl’. “And… does Blessed Virgin Carl have something intelligent to add here…?” tanong nya sa akin isang beses nung mapansing ang isip koy lumilipad.

“A, er… I beg your pardon, Sir?”

“As I was saying, tell me what will an idiot say if he doesn’t understand the question because his mind is somewhere else?” paglilihis nya sa tanong pagpapatama sa akin at pagpaparamdam sa klase.

“Excuse me sir?” tanong kong mejo naguguluhan.

“Exactly! See…? That’s what an idiot would say!” ang sarcastic na sagot nya habang naka-gesticulate ang kamay turo sa akin pagpapatunay na ang sinabi ko ay tugma sa sasabihin ng isang idiot. Tawanan ang buong klase…

[ITUTULOY...]

Mga Kabanata ng IDOL KO SI SIR

Ang kuwentong ito ay orihinal na gawa ni Mike Juha

Leave a Reply