Tanghali na nang nagising si Beans. Late na sita sa isa niyang laboratory class kaya hindi na niya naisipang pumasok. Sa halip ay itinalukbong niya ang kumot sa sarili at muling nahimbing.

*Nagvavibrate ang cellphone* Nagising si Beans dahil sa nararamdaman niyang vibration at dali-daling binuksan ang kanyang laptop sabay click sa nakangising bilog na kulay dilaw sa kanyang shortcut menu. Masaya na naman si Beans. Nakangiti habang pinipindot ang bawat letra sa kanyang keyboard.

*BUZZ*
*Kamusta? ~webcam~*
*Kakagising ko lang! haha!*
*Cam ~webcam~*

Habang nag-uusap ang dalawa ay bigla na lang naisip ni Beans ang isang bagay. Habang binabasa at tinitingnan niya ang bawat titik ng kanyang mga nabasa, bawat letra ng salitang nasa harapan niya.

Dahil sa pagkakasapul sa kanyang ego ay bigla siyang natahimik sabay ng dahan-dahang paglaho sa mga ngiti na nasa kanyang mga labi at ang unti-unting pagkawala ng kasiyahang naramdaman niya. Napalitan ito ng pagkabalisa at kalungkutan.

Agaran niyang pinatay ang kanyang laptop at nagbihis para magjogging kasabay ang kanyang shock-absorber. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan ngunit nakukuha pa rin niyang ngumiti. Naisip niya tuloy na ayaw na niya ng okra…

Tags:
2 Responses to “No More Gulay!!!”
  1. BEANS says:

    basta! ^_^ hehe

  2. carL says:

    huh?? anong meron sa okra?

    at ano ung nabasa bat bigla kang nalungkot…

    ano ba yan!!

  3.  
Leave a Reply