Para sa mga nakakaalam sa mga blogs ni Beans na nasa wikang Ingles, ito ang kaunaunahang blog niya sa wikang mahal ng mga Piilipino, ang wikang Filipino. Naisipang gumawa ni Beans ng blog sa wikang Filipino sapagkat ngalay na ang kanyang puso, isip at kamay sa pagsusulat sa wikang banyaga. Nais niya sanang ilahad ang kanyang mga pananaw sa buhay, mga kaganapan sa kanyang araw-araw na paghinga, paghithit-buga ng yosi at pagtungga ng alak sa wikang naiintindihan ng lahat ng Pilipino.

Kung tatanungin ninyo si Beans kung bakit ngayon lang niya naisipang gumawa ng blog sa wikang Filipinpo ay dahil hindi talaga niya nakahiligan ang pagboblog dati. Dahil na rin sa kagustuhang kumita ng pera ay napilitan siyang gumawa ng blog sa wikang Ingles para pagkakitaan ito. Naging praktikal lang kumbaga. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya ito isasama sa mga pinagkakakitaan niyang blog, sa halip ay gagawin niya itong personal na online dyornal para kung sakasakali man ay kinailangan niyang magbalik tanaw ay may mababasa siya.

Sana ay tangkilikin ito ng maraming mambabasa.

Nagpapasalamat pala si Beans kay ERIC DINGLASAN para sa magandang mungkahi niya sa para sa pangalang ng blog na ito.

Mababasa ninyo ang mga non-Filipino blogs ni Beans sa upper left sidebar ng blog na ito.

Tags: ,
One Response to “Unang Tagalog Blog Ko”
  1. Hi, interesting post. I have been wondering about this topic,so thanks for sharing. I will certainly be coming back to your posts. Keep up great writing

  2.  
Leave a Reply